Chapter 4 -- Escaping The Past

7.5K 105 1
                                    



Niyayang mag dinner ni Martee ang girlfriend na si Natalie sa bahay ng Ate nito sa Cavite at para pormal na rin itong ipakilala dito. Halos isang buwan na rin ang lumipas nang dumating ito sa Pilipinas.



"Carlyn?" Anang Natalie nang ipakilala siya ni Martee dito.



"Oo, si Ate Carlyn." Umento naman ni Martee.


"Heto talagang kapatid ko hindi man lang sinabing may girlfriend na siya." Tampong sabi ni Carlyn.




"Eh Ate komplikado pa kasi ang sitwasyon namin nun. Pinag buti ko muna ang trabaho ko at nung na promote ako dun na namin sinabi sa Dad ni Natalie and luckily we're accepted."



"Masaya ako para sa inyo. Eh teka kailan pa pala kayo?" Usisa ng ate ni Martee.



"Halos mag iisang taon na." Sagot naman ni Natalie.



"Tignan mo na Martee isang taon mong tinago sakin 'to." May pagatatmpo sa tono nito.


"Heto na nga o, pinakilala ko na nga sayo diba?"



Nakangiti lang si Natalie habang pinag mamasdan ang dalawang magkapatid. Nang biglang may isang batang lumapit sa kanila.



"Mama." Sabi nung bata kay Carlyn.



"Nicko halika dito." Iniupo ni Carlyn si Nicko sa mga hita niya. "Natalie si Nicko anak ko. Nicko siya si Tita Natalie mo."



"Hello po." Malambing na sabi ni Nicko.



"Hi, baby boy Nicko." Bati rin ni Natalie. "Ate Carlyn kayo lang dalawa ang nakatira dito? Ang asawa mo?"




"Haven't I told you before na nasa abroad ang asawa ni Ate?" Sagot ni Martee. Umiling naman si Natalie.




Marami pa silang pinag kwentuhan na tatlo at pakiramdam ni Natalie close na agad sila ng Ate ng kanyang boyfriend at nag enjoy talaga siya sa na kasama ito.



Nagpaka focus na lang si Natalie kay Martee at sa kanyang trabaho para tuluyan na niyang makalimutan ang mga nangyari sa kanya sa NYC. Pilit niyang isinisiksik sa isip niya na bahagi na lang si Ervic ng kanyang nakaraan.



Seven months later....

Nasa terrace ng kanilang bahay ang mag inang Carlyn at Nicko. Nag lalaro ng basketball si Nicko at si Carlyn ang taga cheer nito nang may tumigil na taxi sa tapat nila at lulan nito ang asawa ni Carlyn na si Ervic.



"Ervic?" Sabi ni Carlyn at dali-dali niya itong linapitan. "Ervic."


"Carlyn." Agad niyang niyakap ng mahigpit ang kanyang asawa. "Na miss ko kayo."



Pagkatapos magyakapan at magkumustahan ang mag-asawa, agad silang tumuloy sa loob ng bahay at do'n ipinaliwanag ni Ervic ang biglaan niyang pag-uwi. Ilang buwan na halos wala siyang trabaho dahil sa Economic crisis sa America. Tinanggal siya sa dalawang trabaho niya dahil mas priority daw nila ngayon ang kanilang mga lahi kesa sa ibang lahi. Kaya nagpasya na siyang umuwi ng Pilipinas nang wala na talaga siyang makuhang trabaho. Dahil baka maubos pa ang inipon niyang pera kakahanap ng trabaho.


"Huwag kang mag-alala, hindi ko kayo pababayaan ng anak ko. Maghahanap na lang ako ng trabaho sa Maynila. Ang importante ngayon ay magkakasama na tayo." Paliwanag ni Ervic tsaka niya tinignan ang kanyang anak na nilalaro ang mga dala niyang laruan habang kumakain ng chocolate.


The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon