Page 15

2 0 0
                                    

2015

Ang gandang taon para sa panibagong yugto ng buhay ko. Naghiwalay kami ng ex ko. Siguro ako yung taong hindi makikitaan na sobrang naapektuhan sa hiwalayan.

Una palang kasi hindi ko siya nakikitaan ng sekyuridad. Lagi nalang ako nilalamon ng pangamba na baka lokohin at iwan niya ko at alam kong kaya nyang gawin yon ng paulit ulit.

Kaya nung kami pa nun sinisikap ko na mapag-isa. Nanunuod ako ng sine mag-isa, kumakain sa restaurant ng mag-isa, nanunuod ng concert mag-isa, nagaadik sa online games madalas pang tambay ng Mineski Portal Cainta ng 12 hrs mag-isa at kahit ano pa hanggang sa nasanay na ko.

Pero kahit na ginagawa ko yun never akong nagkulang bilang girlfriend, ganun padin ako. Yun nga lang mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Hanggang sa sobrang linoko na ko ng tuluyan at hindi ko na siya matanggap pa sa kasalanan niya.

Takang taka ang lahat na parang wala lang sakin pero sa totoo lang tagal na kong handa. Expected ko na kasing mangyayari yun at hindi ako nagkamali.

Laking tulong talaga sakin ng ginawa ko at syempre sa pamilya at kaibigan na nandyan lagi para pasiyahin ako.

PandaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin