Goodbye, Summer (ONE SHOT)

222 11 3
                                    

A/N: Wala napagtripan ko lang gawan ng kwento yung song ng F(x) ft D.O yung Goodbye Summer! Hahahaha. Sana magustuhan nyo. Vote and comment narin ^_____________^

Anyway.. Yeorum means Summer. =))))

Goodbye, Summer.

Naaalala ko pa nung araw na pinagalitan tayong dalawa dahil nagdadaldalan tayo habang nagtuturo ang teacher natin, pinalabas tayo ng classroom at pinarusahan. Hindi ko nga alam kung bakit ang saya-saya pa natin nun pagkatapos ng nangyari. Simula ng araw na iyon, mas lalo tayong naging malapit sa isa't-isa. Kapag may problema ka, parati akong nasa tabi mo.

Lagi nila tayong tinutukso kapag magkasama tayo. Paano ba naman, kung nasaan ka, nandoon din ako. Walang araw na hindi nila tayo nakikitang hindi magkasama. Asar dito, asar doon. Wala tayong pakialam sa mga sinasabi nila.

Hanggang sa dumating yung time na tuluyan na akong nahulog sayo. Hindi ko alam kung papaanong nangyari iyon, basta bigla ko nalang itong naramdaman.

Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko para sa iyo, pero pinangungunahan ako ng takot. Kasi baka layuan mo lang ako kapag nalaman mo. Mahirap na, baka masaktan lang ako.

Bago ang Graduation Day, nakita kitang umiiyak sa isang sulok. Nilapitan kita noon at tinanong kung bakit ka umiiyak.

"Wala, napuwing lang ako." sabi mo habang pinupunasan mo ng panyo ang mga mata mo.

Pinipigilan mong huwag na muling maiyak.

Pero kahit anong pigil mo, kusang lumalabas ang mga luha galing sa mga mata mo.

"Mamimiss kita, bestfriend."

Ang salitang kaibigan ang isa sa mga salitang ayokong marinig mula sayo. Nasasaktan ako na hanggang kaibigan lang estado nating dalawa. Yung tunay kong nararamdaman, hindi ko kayang sabihin sa iyo. Dahil alam kong hanggang kaibigan lang talaga.

Pag-uwi ko ng bahay, nakita ko ang mga pictures nating dalawa. Noong unang nakita ito ni Mama, akala nya Girlfriend kita. Pero ang totoo, magkaibigan lang talaga tayo.

Ang sakit lang isipin na hanggang doon nalang ang relasyon natin. Hindi ko naman kasalanan na mahulog sa iyo, at hindi rin naman kita masisisi kung kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin.

Natapos ang graduation, hindi na kita muling nakita. Ang sabi mo pupunta kana sa Canada para mag-aral ng kolehiyo at hindi mo alam kung kelan ka ulit makakabalik.

Pitong buwan ang lumipas simula nung umalis ka, nalaman kong may minamahal ka na pala. Sobra akong nasaktan dahil hindi mo man lang pinaalam sa akin, at sa iba ko pa nalaman ang balitang iyon.

Siguro kung ipinagtapat ko ang nararamdaman ko sayo noon, kung sana pinigilan kitang umalis, maaari pang magbago ang lahat. Masyado akong natakot na baka masira lang ang pagkakaibigan natin kapag malaman mo ang totoo kong nararamdaman para sayo. Tinago at dinibdib ko nalang iyon kahit nasasaktan ako ng husto.

Heto ako ngayon, pinagsisisihan ang desisyong ginawa ko.

Yeorum, mahal na mahal kita.. I'm sorry.. Goodbye, Yeorum.. Goodbye Summer. - Kyungsoo

Goodbye, Summer (ONE SHOT)Where stories live. Discover now