Chapter 37: Perfect Two

429 20 2
                                    

Rhaeca's POV

Pagkatapos ng production number ay lumabas ulit ang mga contestant para magpakilala. Sabay kaming rumampa ni Teo papunta sa dalawang microphone sa gitna ng stage.

"Sometimes people are beautiful, not in looks, not in what they say, but just in what they are. Rhaeca Therese Favila, ang miss friendly from the Statistics department." Pakilala ni Teo. Naghiyawan naman ang mga tao lalo na ang mga kaklase namin.

Nagpipigil ako ng tawa dahil sa sinabi ni Teo.

Sina Gelou ang nag-isip ng mga sasabihin namin at ewan ko kung saan ba nila yun napulot. May pa miss friendly pa silang nalalaman.

Miss friendly ba ako?

Lumapit na ako sa microphone at nagsimula nang magsalita.

"Life is like a camera. Focus on what's important and you'll capture it perfectly. Teo Kenry Buenaobra, the totoy seryoso from the statistics department." I gave them the pamosong Teo Buenaobra's smile at tumabi na ako kay Teo at nagpose kami pareho.

Hindi kami nagtagal doon at naglakad na kami pagbalik sa back stage.

Agad akong sinalubong ni Gabby na nakaabang lang sa akin sa labas ng dressing room. Pagpasok ko, nandito na rin si Wenrie.

Nagtaas ako ng kilay at tiningnan siya. Ngumiti lang si Wenrie at hinila na ako.

"Pinapunta ko na siya dahil yung costume na ang susunod." Sabi pa ni Gabby at inabot sa akin ang greek mythology outfit ko.

Tumango ako sa sinabi niya. Mahirap na nga ito sa akin dahil may mga details sa mukha ng mga greek gods ang hindi ko kayang gawin.

Nagbihis na agad ako at pinuntahan ko agad si Wenrie. Pagkaupo ko sa harap ng salamin ay sinimulan na niya agad akong ayusan.

"Two minutes everyone." Sabi sa amin ng organizer. Kinuha ko na ang sandals ko at sinuot ito. Tumayo agad ako at naglakad papunta sa stage.

Nakapila na ang ibang contestant nang marating ko ang back stage.

Pagkatapos nang konteng intermission number ay nagsimula na namang tumugtog ang kanta.

"Contestant number 1. Kian Janiel Thomson and Kim Annie Lopez." Naglakad na palabas si Kian at rinig ko na ang hiyawan ng mga supporters nila.

Napatingin ako sa screen na inilagay dito sa back stage para makita namin ang nangyayari sa harap. Rumarampa sila suot ang witch and wizard costume nila. Pagkatapos ng ilang ikot ay bumalik na sila dito sa back stage.

"Contestant number 2. Chris Jam Sanchez and Maelyn Chanco." Rumampa na sina Chris at Mae sa stage suot ang fairies and enchantress costume nila. Ang galling nilang rumampa para ngang professional model ang dalawa.

Sumunod naman sa kanila ang representative ng Literature Department na nagsuot ng wild and animal costume. Rumampa din ang Language suot ang dauntless costume nila. Ang ingay nga ng buong auditorium dahil sa palakpakan at cheers ng mga tao.

"Contestant number 5. Teo Kenry Buenaobra and Rhaeca Therese Favila." Lumabas na ako at naglakad papunta sa gitna kung saan nagkasalubong kami ni Teo.

"Ang gwapo ko." Bulong niya sa akin nang magkatabi kami. Napangiti ako at hinarap na ulit namin ang mga tao.

Nagulat ako nang makita ko ang parents ko, si kuya at pati na si Aira sa audience.

Pumunta pala sila?

Hinanap ko rin ang family ni Teo at nakita ko sila sa may harapan. Nakangiti sila sa amin ni Teo at chinecheer pa kami, lalo na si Trixie.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon