27 ♥ Better Than Revenge

5.6K 112 12
                                    


Cassie's POV


"Welcome to Fairies Salon!"


I looked at the receptionist. "Give me your best stylist."


Sinong nagsabing sa isang storya pangit lang ang nagpapamake-over para gumanda? Hindi ba pwedeng maganda na tapos gusto maging dyosa?


Matapos kong magising sa bangungot na dulot nina Ryker at Chloe.. Babangon ako! No more sweet-loving Cassie, this time I would be bolder and smarter.


To match my new persona, I need a NEW LOOK. Ang aking dating itim na itim na buhok ay pinagupitan ko ng layers at pinakulayan ng chestnut brown.


Gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa aking labi pagkaharap ko sa salamin. "The war has begun."



Kinuha ko yung phone ko. Tinawagan ko sina Scarlett and Hershey.


"Inom tayo."


(Seriously? Where are you? Bakit ka absent?!)


"I'll tell you later. See you two at Vistro! Bilisan nyo ha."


--


"Tangina! Haliparot pala yang kapatid mo eh!"


"Hindi ako makapaniwala. Out of all people.. How could Chloe.."


How could Chloe.


Truth is.. Kahit ako hindi ko rin alam kung paano yun kinaya ng sikmura at konsensya ni Chloe? Walang-wala na bang lalaki sa mundo? Nilawayan ko na, hihimudin pa nya? Nasusuka ako sa kanya.


Ininom ko yung cocktail at kumagat ng lemon.


Non gabing yon tumakbo lang ako ng tumakbo. Yung malayo sa kanilang dalawa. Sapat ng dala ko yung cellphone, wallet at video cam ko. Wala ako sa sariling pumunta sa bus station. Pugto ang mga mata, magulo ang buhok at tulala sa kawalan. Walang akong maintindihan tanging sakit lang yung nararamdaman ko. Akala ko nga mababaliw na ko.


Nagtaka pa si Yaya Minda kung bakit nauna akong umuwi pero hindi na ako nagpaliwanag pa. Nagkulong ako sa kwarto ng isang buong araw. Ni hindi ako kumain, gusto ko na lang mamatay. Yung anniversary namin na isa sana sa pinakamasayang araw ng buhay ko eh wala akong ginawa kundi umiyak. Iniyak kong lahat na halos dugo na ang iluha ng mga mata ko.


Hinawakan ni Hershey yung kamay ko. "Napakaswerte ni Chloe na ikaw ang kapatid nya." Napailing sya. "Malas mo lang Cassie sya ang kapatid mo."


"Malas?! Sumpa yang Chloe na yan!" Napapabuga ng hininga si Scarlett sa sobrang galit.


My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon