"Jill! Jillian!"
Kita na siguro yung esophagus ko sa kasisigaw dito. Ang hirap kasing tawagin ni Jillian lalo pa't naka-earphones at wagas siyang maka-focus 'dun sa librong binabasa niya.
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang sling bag na nakasabit sa balikat ko saka tuluyang lumapit sa bench na inuupuan niya.
Nasa labas kasi kami ng mall ngayon since dito naman talaga yung usapan naming apat. Kung sino ang iba? Chill lang. You'll know them later haha.
"Uhm, is this space taken?" Tanong ko nang makalapit na 'ko sa inuupuan niya. Kunwari stranger. Tinetest ko lang naman kung makikilala niya ba 'ko.
"No." Plain na sagot niya at nag-flip ng page kaya instant na nakapa-meywang ako, "Wow Jill ha! Kilala mo talaga ako. Maraming salamat."
Padabog akong umupo sa tabi niya and this time, naisara na niya agad ang librong binabasa saka napatingin sa direksyon ko.
Inayos pa niya ng bahagya ang eyeglass niya bago tuluyang ngumiti. Nagtatampo sana ako eh kaso weakness ko talaga yang mga ngiti ni Jillian na ganyan. May gayuma yata eh.
"Yeshang?! Anla? Ikaw pala yun? Hahaha sorry! Di kasi malinaw yung boses mo dahil naka-earphones ako!"
Tss. 'Di na nga malinaw ang mata, pati pa naman tenga?
Niyakap niya ko agad and I had no choice but to hug her back. Na-miss ko rin 'tong bookworm na 'to the whole summer eh.
"Sus! Palusot.com Jill ha!" Biro ko and tinap ang likuran niya kaya natawa rin siya.
"Teka, asan yung praning mong pinsan? Ba't di mo kasama?" Tanong niya na tinutukoy ang cousin kong si Janna habang magka-hug pa rin.
"Ewan ko 'dun. Sabi niya una nalang daw ako eh. Text nalang daw natin kung asan tayo para makasunod siya." Paliwanag ko nang makawala na kami sa mala-kdrama na yakap.
"Ang init mahfriends. Frappe tayo sa loob?"
Instant kaming napalingon ni Jillian sa harapan kung saan nagmumula ang pamilyar na boses maarte. Meet Cady.
"Haha nice to see you too, Cads!" Sarcastic kong sagot sa kanya and gave her a hug matapos kong makatayo. Ganun din naman ang ginawa ni Jillian. Gaya-gaya siya eh haha!
"Wait, asan si Janna?" Cady habang palingon-lingon sa paligid. Ang sakit lang. Ako ang nandito tapos si Janna ang hanap nilang lahat?! Nakaka-hurt ah!
"Basta text nalang daw natin kung asan tayo." Tipid na paliwanag ni Jillian habang inaayos ng bitbit ang librong dala niya.
"So? Starbucks tayo? Your treat Cads. Late ka." Nakangisi kong sabi.
"Hey! Pa'no si Janna? Late din naman--"
"Ep! No buts! Your treat. Final." Jillian at agad na kaming hinigit ni Cady papasok ng mall.
*
"Mocha frappe sa'kin. How about you, Yeshang?" Tanong ni Jill habang nakatingin sa menu na nakalagay sa may wall sa itaas ng counter.
"Same." Sagot ko at nilagay ang phone sa likurang bulsa ng pants ko.
"You heard it right, Cads." Panunukso ni Jill at nag-wink pa haha.
"Ugh! Ba't ba ako nalang lagi yung binubully nyo? Porke maganda, ginaganyan nyo na?" Drama nung isa habang nagkukunwari pa na pinupunasan ang invisible na luha niya.
"Kilabutan ka nga, Cads. Tanghaling tapat na oh nananaginip pa rin yang utak mo."
"Ay grabe siya oh. Sige na! Libangin nyo na yang mga sarili nyo sa paghahanap ng upuan nang may maitulong naman kayo sa society." Inis na pahayag niya at nag-flip hair pa.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow [On-Going]
Fiksi PenggemarPromises and Vows. Are they really meant to be broken?