Kendall POV
Kinabukasan, excited na ako sa Surprise namin ni Kyzier para kay Audrey. Balak ko sanang bumili ng Lobo kaso oras na din akong nagising kaya wag na lang okay na din naman yun.
"Kendall! Tara na". Nabigla ako kung sino yung sumigaw, napalingon ako at yun pala si..
" Oo na wait Kyzier, nakakabigla ka huh?!" Sabi ko na pasigaw din.
"Tagal e, maganda kana Kendall. Okay na. Tara na." Sabi niya at nabigla ako totoo ba yun, sinabihan niya ako ng maganda.
"A-ahh , oo na!" Sabi ko nalang. At lumapit na ako.
Wala akong makwento tulad ng dati. Di na ako kumatak, grabeeee. Pero naalala ko na...
"Kyzier, kailangan nating bilisan 1 hour and 30 minutes. Nalang, at baka dumating na si Audrey." Sabi ko na aligaga. Kinakabahan kase ako e, baka biglang pumalpak.
"Oo nga, tara na takbo na tayo." Sabi naman niya. At hinila niya ako.
Tumakbo kami, takbo at hawak niya KAMAY KO. Ghadddd!! totoo ba ito? Pero syempre naisip ko na nagmamadali lang kami. Pero syempre kinilig ako.
Hawak ba naman ni Crush kamay ko.. pero teka! Ano ba itong iniisip ko.
Nasa school na din kami. Sa wakas. Minadali naman namin ang lahat. At konti nalang at darating na si Audrey. maganda naman ang kinalabasan at thank god di kami pumalpak.
At ilang minuto...
"kendaaaaaallllll, audrey is here. Be ready" sigaw ni lily. At hinanda namin ang lahat at ang pagsigaw ng....
" Happy birthday Audrey" sigaw namin ng mga kaklase ko. Si Kyzier, Lily at si Jeff.
At syempre si Audrey nabigla.
" Salamat besh at Thank you Kyzier. Na shock talaga ako kase. Kahapon pa ako naghihintay ng Text at bati niyo. Nagtampo ako sa inyo. Kase friends ko kayo at di man lang naalala ang pinakamagandang part ng life ng bestfriend niyo? Pero thank you talaga" sabi naman ni audrey saamin, na Ngiting ngiti at wala naman lang kibo si Kyzier pero, syempre sabi ko.
"You're welcome besh, bago pa tayo magdramahan dito. Heto pala gift namin Exploding box and Cake." Sabay bigay naman ni Kyzier na naka smile talaga.
"Speaking of Cake? Mamaya buksan mo sa bahay niyo besh kase I want to see it. Kase di ko pa nakita e. Kahit open lang." Sabi ko ulit.
Sobrang saya namin. Nakangiti kaming Tatlo nila Audrey at Kyzier. Buti nalang at appreciate ni Audrey.
Excited na ako sa Design ng Cake. I want to see that cake. I'm sure it is delicious... so excited.
Audrey POV
Papasok na ako ng school, galit walang kibo dahil sa kahapon. Wala man lang bumati saakin.
Malapit na ako sa room konting konti nalang. Nabigla ako dahil...
Sumigaw si Kendall ng..
"HAPPY BIRTHDAY AUDREY" Sumigaw sila nila Kyzier at teka kasabwat pa pala si Lily. Ghaddd. Ang galing nila. Wala naman bigla ang galit ko , napalitan ng Ngiti.
Syempre na Surprise talaga ako. Pero syempre nandyan na si ma'am at...
"Anong kaguluhan ito. Linisin niyo yang kinalat niyo!!" Sabay sigaw ni ma'am saamin. kaya nawala na ang exciting part at bitin ako sa pagsurprise nila saakin. Inisip isip ko. Pero syempre ...
Fast forward...
LAST SUBJECT ..
"Good day class.." sabi naman ni sir.
"Good day sir" sagot naman namin.
Few minutes...
Uwian na, sabay sabay kami nila Kyzier at Kendall. Nagjojoke pa ako. Saya namin nila Kendall.
hanggang sa..
"Welcome to my Little House.. tuloy kayo" yaya ko sakanila. Siguro pangatlong punta palang nila dito kase madalas sa bahay nila kyzier o kendall kami pumupunta.
"Yaya, paghanda mo nga kami ng makakain at pakisabi kay Mom. We're here na." Sabay sabi ko sa Nanny ko.
"Wow, audrey. Laki ng pinagbago" sabi naman ni Kendall. Mas lumaki pa daw.
"Totoo ba? Lumaki ba. Di ko kase pinapansin." Sabay sabi ko ng ganon.
Fast forward again.......
Kumain na kami ng spaghetti na luto ni mommy, tapos ng nakipag daldalan si Kendall sa mom ko at si Kyzier ay nag phophone naman kaya sinabi ko naman sakanila para may maitopic kami...
"Guys? Cake naman, Kainin natin" sabay yaya ko sakanila. Excited na ako sa cake ko. Mukhang mamahalin.
"OO NA, I'M TOO EXCITED AUDREY" sabay sigaw ni Kendall na talagang gusto na niyang makita. Di pa kase niya raw napansin yung design.
Kaya..
"Tadan! Tadan! ... wow! Sabay open ko ng Box" nabigla ako sa cake super ganda. At ganon din sila.
Kasoooo... si kendall napatigil ng ilang minuto at..
Tumakbo...
Tumakbo na parang naluluha sa bigla.
Anyare???
Kendall POV.
..nandito na kami nila Kyzier sa bahay nila Audrey. Tapos na kami kumain at cake naman ang susunod kaso...
Nabigla ako na yung cake ni Audrey ang cake na nakita ko sa pamilihan last day. Ibig sabihin kay Audrey yon. Yun ba ang pina reserve ni Kyzier. Kase di ba si Kyzier ang bumili at ayaw niyang ipakita ang design.
Nabigla ako at di ko napansin na napapaluha na pala ako. Kaya Tumakbo ako. Hindi ako makapaniwala na ginawa ni Kyzier yon para sa Mahal niya. kase di ba?
FLASHBACK~
"Ate magkano po cake na yan at kung Pwede po ba na, bukas na ideliver?" Tanong ko kay Ate kase, balak kong bilhin.
"Ah. Miss naka reserve na yan." sabi naman saakin.
" ahh. Ganon po ba. Pwede ko po bang malaman kung sino?" Tanong ko. At pagpupumilit.
"Hindi man nga nagpakilala si Sir ang gwapo pa naman niya. Basta inereserve niya para daw sa mahal niya." Sabi niya ulit at para bang kinikilig.
" ahhh. Okay po. Salamat po." sagot ko naman.
END OF FLASHBACK~
Yun pala ang cake na pina reserve ni Kyzier para sa MAHAL NIYA. ibig sabihin gusto ni Kyzier si Audrey. Napapaluha na ako habang iniisip ko yun at umuwi nalang ako na hindi man lang ako nagpaalam sakanila. Wala na ako sa mood.
Hanggang sa nasa bahay na ako. patuloy tuloy sa pag akyat sa kwarto ko. Umiiyak ako. Nasasaktan ako. Di ko alam kung bakit. Bakit ako ganito. Dahil sa hindi na ako nakapag paalam tinext ko nalang si
Typing message for Audrey...
"HAPPY BIRTHDAY SIS, SORRY KASE DI AKO NAKAPAG PAALAM. NAGTEXT SI MOM. HAPPY BIRTHDAY NALANG ULIT " sabi ko sa text at sinend kuna. Habang itinatype ko yan Umiiyak ako kase di mawala sa isip ko yung Cake na yun. Di ko alam bat ako ganito ang swerte ni Audrey. Kase gusto siya ni Kyzier. Si Kyzier na Crush ko.
ano ba itong nararamdaman ko... selos na ba ito?
Nagselos ako sakanila? Selos na ang sakit pala.. sa tagal tagal ngayon pa!
Selos na nga..
Selossss.....
==========================
Read the next chapter... thanks.
BINABASA MO ANG
Friendship Lasts Forever
Ficção AdolescenteWill our friendship last forever? Or love will be build between our friendship? Just enjoy❤