Bewildered
"Thank you."
Napatingin sakin si Jad pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi siya nag salita, he gave me a slight nod at binalik ang mga mata sa daan.
Alam kong gusto niyang mag tanong, pero dahil kilala niya ako alam niyang hindi ko din sasabihin sakanya hanggat hindi ako nagkukusang ikwento ito.
Humarap ako sa bintana ng kotse. Tumitingin tingin sa paligid. Iniiwas kong tumingin sakanya at saka sinabing, "Sige na. Itanong mo na."
"Alin?", he said.
"Yung tumatakbo sa isip mo ngayon."
"Busy ako mag drive."
"Huwag ako Jad. C'mon. Ask me."
"Wow. Ikaw na ang pumipilit saakin na mag tanong ngayon. Sige nga, spill it."
Naramdaman kong tumingin siya saakin ng sinabi niya yon. Ayoko munang tignan siya sa mata. Alam kasi niya kung nag sisinungaling ako o hindi. Alam kong alam niya, hindi nalang niya pinapansin.
"Spill alin? Ayusin mo mag tanong.", giit ko sakanya.
"Ha! Sinasabi ko na nga ba. Ibang kaso to no? Gusto mo bang itanong ko pa ng buo kahit na alam mo naman ang pinaguusapan natin? Haha.", natatawa niyang sinabi.
Ano nga ba? Sasabihin ko ba sakanya? Pero kapag sinabi ko, saan ako magsisimula? At sigurado ako na magugulat siya sa kwento ko, kasing gulat ng makita ko si Matt noon.
Nagkibit balikat ako. Alam kong nakatingin siya saakin kahit nagmamaneho siya.
"Okay okay. MC, sino si Matt?", he asked.
Eto na. Ano na? Anong sasabihin mo? Sino daw si Matt? Sasabihin mo ba na si Matt lang naman yung taong pinakamamahal mo na naging dahilan kung bakit umalis ka ng bansa noon? Sasabihin mo ba na si Matt yung lalaking nagturo sayo kung paano magmahal? Sasabihin mo ba na nasaktan ka ni Matt? O sasabihin mo na si Matt ay isang kaibigan ng nakaraan?
Hindi ako agad sumagot. Umayos ako ng upo at hinawakan ang strap ng seat belt na nakayakap saakin. Tila ba parang inihahanda ko ang sarili ko sa isang karera na maaring ang ending ay ako ay madisgrasya.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jad.
Napansin ko na biglang bumagal ang pag mamaneho nito, mukhang iniintay niya talaga ang isasagot ko, ang sasabihin ko."Uh..", nakatingin pa rin ako sakanya.
"Anong uh? Ano na?", he replied.
"Uh.. ano.. saan ba ako magsisismula?", I asked.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam niyan?", he said and then smirked.
Ano ba yan Jad. Please. Don't see right through me.
Huwag ngayon. Hayaan mo akong mag kwento ng parang wala kang hinala kung ano ito."Kasi ano.. ganto. Si Matt ang buong pangalan niya is Matt Caleb Soriano. When he was in college nickname niya is Caleb sa family niya at MC sa school or friends.."
Jad suddenly coughed.
"Oh? Inuubo ka?", pabiro kong sinabi.
"Nasamid lang, MC. MC. MC. Haha.", he said while giggling.
"Oo na! Parehas na kami ng nickname. Eh malay ko ba? Ano.. mag kwento pa ba ako o hindi na?!"
"Hahaha. Oo na. Sige na. Continue."
"Hay. Tapos ayun nga. He took up Photography sa University of Arts Philippines, the same school I went.. Nagkakilala kami dahil sa pinsan niyang si Nada Soriano. That time kasi nag held ng isang contest sa University for aspiring photographers, ang theme is music pero high fashion ang dating. Naghahanap si Matt noon ng model niya, ang gusto niya kasi musically inclined talaga. Kaya eto si Nada na kasama ko noon sa Charity Organization, ako ang kinuha niya na mag model para sa pinsan niyang si Matt."
BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
Teen FictionIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...