DIARY (ONE SHOT)

36 0 0
                                    

Second Year Highschool.....

Kasalukuyan akong nakaupo at nakatitig sa katabi ko. Siya nga pala ang Bestfriend ko. Nakatitig ako sa kanyang mahaba at maitim na buhok. Napansin kong titingin siya sa gawi ko kaya umiwas na ko ng tingin upang hindi niya ko mahuli. Pagkatapos ng klase, lumapit siya sa akin hinihiram niya ang notebook ko dahil may kokopyahin lang daw siya. Binigay ko ito at nagpaalam na siya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ayaw ko siyang maging kaibigan lang, gusto kong sabihin na mahal ko na siya pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit.

Third Year Highschool.....

Napansin kong may tumatawag sa akin habang may nireresearch ako. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Siya pala. Sinagot ko ito. Napansin kong may iba sa boses niya, tila umiiyak siya. Kaya pala ganun kasi heart broken siya. Pinapunta niya ako sa kanila dahil ayaw niyang mapag-isa. Pumunta ako agad sa kwarto niya pagdating na pagdating ko. Nadatnan ko siyang nanunuod ng "One More Chance". Umupo ako sa tabi niya. Walang nagsasalita. Nakatitig siya sa tv habang ako nakatitig sa mga mata niyang umiiyak. Iyak lang siya ng iyak habang nanunuod. Pagkatapos ng 3 oras, napagpasyahan niyang pauwiin na ako. Nagpasalamat siya at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti na lang ako ng malungkot. Gusto ko na talagang sabihin na mahal ko siya kaso nauunahan ako ng hiya at takot.

Fourth Year Highschool....

Nagkaroon ng isang kasiyahan para sa batch namin dahil malapit na kaming makapagtapos. Napagpasyahan kong pumunta na lang mag-isa. Nagulat na lang ako nang makitang nakatayo sa harapan ko ang bestfriend ko habang naka-upo ako. Kinausap niya ko, sabi niya "Wala yung kadate ko, nagkasakit. Pwedeng ikaw na lang ang kadate ko?". Umoo na lang ako sa kanya. Naalala ko pa yung pangako namin sa isa't-isa nung Freshmen pa lang kami. Nangako kami na kung walang kadate ang isa't- isa sa party kapag Seniors na kami, magiging kadate namin ang isa't-isa. Hinatid ko siya sa bahay nila ng matapos na ang party. "Nag-enjoy ako. Salamat!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.... Gusto kong sabihin sa kanya... Gusto ko png sabihin na Mahal na Mahal ko na siya pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit. Mahal na Mahal ko siya pero hindi ko masabi. Pumapasok ang salitang HIYA sa t'wing nakikita ko siya.

Graduation....

Dumaan ang mga araw, mga linggo, at buwan. Sa isang kurap, Graduation na. Pinanood ko siyang umakyat sa stage para kunin ang kanyang diploma. Para siyang isang anghel. Gusto ko siyang maging akin pero hindi niya ako tinitignan tulad nun. Natapos na ang seremonya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Umiiyak kami habang yakap-yakap namin ang isa't-isa. Inalis niya na ang pagkakayakap sa akin at sabi niya "You are my Best Friend! Thanks!" at binigyan ako ng halik. Gusto kong ng sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Gusto kong malaman niya na ayaw ko siyang maging kaibigan lang, mahal ko siya pero nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit.

Marriage......

Nakaupo ako sa loob ng simbahan. Pinapanood kong magpakasal ang babaeng yon. Papunta na siya ngayon sa bago niyang buhay kasama ang mapapangasawa niya...... Gusto kong sabihin sa kanya, Gusto kong malaman niya, mahal ko siya pero nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit.

Death.....

Lumipas ang mga taon. Nakaharap ako sa kabaong ng babaeng yon na naging bestfriend ko. Doon sa service, binasa nila ang isa sa mga nakasulat sa Diary niya noong nasa Highschool pa siya

Ito yung nakasulat

"Tinitigan ko siya, hinihiling ko na sana sakin siya. Pero hindi niya ako nakikita tulad nun. Gusto ko sabihin sa kanya, Gusto ko malaman niya na ayaw kong maging kaibigan lang siya. Mahal ko siya pero nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit. Hinihiling ko na sana sabihin niya sakin na mahal niya ako.... At hinihiling ko rin na masabi ko sa kanya yun...."

*Naisip ko ang sarili ko at umiyak*

-----------------------------------------------------------------------

*Author's note*

Hi guys! First time kong magsulat dito sa wattpad :"""""">. Ang saya ko, Graaaabbbbbeeee :))). Actually, inspired lang ako magsulat ngayon. may nabasa kasi ako na magandang story e. Actually may pagkapareho 'to dun sa nabasa ko. Pareho kasi yung theme e. :))

>Reminder: Wag tayong mga torpe bregs, malay mo gusto ka rin pala ng gusto mo. TANDAAN!! There's no harm in trying. Okay lang na masaktan ka. Part din yun pag nagmamahal ka e :))<

That's All.. Thank you ^_^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIARY (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon