BABAE KA??? BASAHIN MO TO!!!
Maarte, mahina, iyakin, martir --- ganyan ang imahe ng babae sa nakararami pagdating sa pag – ibig. Pero ano nga ba??? Ano nga ba ang estado ni Eba kapag nagmamahal siya???
“BABAE KASI TAYO, DI TAYO PWEDE PUMILI NG TAONG MAMAHALIN, DI RIN TAYO PWEDENG MANLIGAW.” Yan yung mga katagang madalas bumabyahe sa tenga ko sa tuwing pinag – uusapan ng mga babae ang tungkol sa mga makukulit at di nila tipong manliligaw. Paulit – ulit, dumadagundong, dumadagundong ang mga katagang iyon sa isipan ko at naitatanong ko na lamang sa sarili kung “Totoo nga ba??? Wala kaming karapatang pumili?” Nag – iisip ako ng mga panahong iyon nang biglang. . . TING!!! . . . May kumiliting uod sa utak ko at sinabing hindi yon totoo.
Ang pamimili ng isang babae ng taong gusto niyang mahalin ay maihahalintulad sa pagsasagot sa isang MULTIPLE CHOICE TYPE na exam na kung saan ang CHOICES ay yung mga manliligaw mo. Kailangan mong pumili ng maingat kasi mahirap magkamali --- NAKAMAMATAY!!! Kailangan mong pumili ng pinakanapupusuan mo --- CHOOSE THE BEST ANSWER ang drama. Wala bang karapatan ang mga babaeng mamili??? Syempre meron, merong karapatan. Saan lang kami luging mga kababaihan??? Lugi kami kasi hindi kami ang gumagawa ng MULTIPLE CHOICE TYPE na exam, nandiyan na agad ang choices at kailangan na lang naming pumili. Sa pamimiling yon, pag nakasama mo na siya tsaka mo lang malalaman ang resulta kung PASADO ka o BAGSAK ka. Sa madaling sabi, pwedeng pumili ang babae ng taong mamahalin pero di siya pwede pumili ng taong manliligaw sa kanya.
Speaking of ligaw – ligaw, may nabisita akong groupchat sa isang social networking site, ang FACEBOOK at nagulantang ako sa mga nakita ng mga mata ko. Eto ang sample:
WANTED: Serious Boyfriend (mabait, cute, maputi, maunawain, caring at may sense) Kung intresado ka, pm mo ko or comment ka lang dito)
Kung iisipin niyong nag – iisa lang ang post na yan, pwes, NAGKAKAMALI KAYO!!! Marami – rami na ring babae ang nauubusan ng utak at ginagawang CLASSIFIED ADS ang Social Networking Sites makapaghanap lang ng kakarelasyunin. Ang hindi ko lang alam ay kung nagkakamali lang sila kapag nilalagay nila ang terminong SERIOUS BOYFRIEND sa mga post nila dahil kung isa kang babaeng hindi lumaki sa tuktok ng bundok, alam mong maraming manloloko sa Internet at walang relasyong seryosohang nagaganap o magaganap, LOKOHAN LANG ANG USO!!! Kapag nakakita ka pa ng ganyang post, magugulat ka kasi maraming nag – co – comment, syempre nag – ta - take advantage ang mga lalaki at mag – aapply na parang may papasukang malaking kumpanya. After a day, TING!!! Meron na silang GIRLFRIEND at di na nila kailangan pang bumili ng kahit MCDO FRIES LANG para magkaroon ng GIRLFRIEND. Hindi ko talaga makuha ang punto ng ganitong klase ng set – up para magkaroon ng ka – relasyon pero malinaw sa akin na ang mga ganitong klase ng tao ay maaaring Pinaglihi sa KATI, Nasa loob ang kulo o kaya Certified Desperada. Dahil rin sa mga ganitong klaseng babae kaya iniisip ng iba lalo na ng mga Kano na ang mga babae sa Pilipinas ay mahina, kaladkarin at pwedeng bilhin.
Tandaan niyo ang palaging sinasabi ni PAPA JACK ng 90.7 Love Radio na ANG PAKIKIPAGRELASYON AY HINDI REQUIREMENT SA BUHAY. Kailangan mong antayin ang panahon at pagkakataon, huwag kang magmadali dahil wala naman sa batas na ANG WALANG BOYFRIEND, PAPATAYIN!!! =D
Ngayon, hindi ko isinulat ang Note na to dahil trip ko lang, isinulat ko to dahil nababahala ako na kumalat ang Kalandian na parang VIRUS na dapat iwasan. Sana tumatak sa utak niyo yung gusto kong iparating at malaman niyo ang mga bagay na masakit sa mata kaya dapat iwasan at huwag gawin. :D SALAMAT SA PAGABABASA!!! GODBLESS!!!
Written By:
M-REN
NOTE: Pwedeng I – repost, wag lang po baguhin. SALAMAT!!! :D