Chapter 30 - Dumbfounded

33.5K 684 66
                                    

Sa muli, ako ay humihingi ng paumanhin sa sobrang late na update. Sana maintindihan niyo ang ka-busyhan ni author. Maraming salamat po sa mga comments at votes nung nakaraan!

Salamat sa mga bagong nag-follow! Welcome to my world of make-believe! :))

This chapter is for WattUser185. Here is your requested dedic.

Hope this chapter is worth the wait! :))

Enjoy!

============================

CHAPTER 30

Huli na nang ma-realize ni Mikay ang pagkakamali niya. What was she doing kissing Gino like this? Nakakahiya siya!

‘Stop this, Mikaela! Hindi na tama ‘to!’

She loosened her arms around his neck and prepared to step back. But strong arms encircled her waist and held her in place. She was trapped. Suddenly, hindi na niya hinahalikan si Gino. He was kissing her.

 

‘Oh, my. No freaking way!’

 

Natatarantang hindi niya malaman ang gagawin. Ilang segundo siyang nakatayong parang tuod habang nagtatalo ang isip at puso niya. Her brain was telling her to push him away, but her heart wanted to kiss him back.

‘Mom always said I should follow my heart. So, what the heck!’

 

Pinalis niya ang lahat ng protesta ng utak niya at ninamnam ang halik ni Gino. Sino ba ang makapagsasabi kung mauulit pa ito? Bahala na kung ano ang mangyari pagkatapos.

“Mikay! Ayos ka lang ba jan? Ba’t naka-lock ‘tong pinto?” tawag ni Bianca mula sa labas ng silid, dahilan para maghiwalay sila ni Gino.

“Damn! Your friend has lousy timing,” inis na sabi nito bago siya tinalikuran para buksan ang pinto.

Naiwan si Mikay na nakatayo sa gitna ng kwarto na hindi makapaniwala sa mga pangyayari. She pinched herself to make sure this was all real. She shook her head to clear her thoughts. Isa lang ang alam niya, hindi niya kayang harapin si Gino ngayon.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon