Ang Dahon

247 1 0
  • Dedicated kay My Sister Au
                                    

Dati syang luntiang dahon na nakakabit sa dulo ng sanga , masaya,malusog at magandang pagmasdan.Nakakakiliti ang hanging likha nya .Siya ang pagaspas na matagal kong di nadama.Subalit isang araw ang dahong ito'y unti-unting nanilaw at nang lumaoy tuluyang natuyot at nawalan ng sigla.Bagama't ganoon ay pilit ko pa rin syang binubuhay sa aking paningin.Ang yayat niyang katawan ay iniisip kong nagkalaman,ang tingin nyang naglalagusan ay aking sinusundan at ang bawat panahong sya ay aking kasama ay isinusulat ko sa tuktok ng aking isipan. Ang takot ay aking nilabanan at sa tuwing siya ay naglalambing sa paraang nakaiirita ay buong puso ko syang inuunawa...sa bawat iyak na naglalagos sa aking tenga kapag dumaraing sya'y pilit kong pinaghuhugutan ng lakas upang sya'y  mapayapa.Ganoon ko hinarap ang hapdi ng pagmamahal at sarap ng pasakit sa karamdamang natamo niya.Halos mapugto ang pag-asang pinanghahawakan ko nang makita ko ang resulta ng lab test.

Makailang beses kong tinitigan ang xray kung gaano na kalaki ang bukol sa kanyang baga. Mangiyak-ngiyak nya akong tinanong kung ano ang ibig sabihin ng resulta sabay tanong kung papanaw na ba sya.Buong tapang ko syang sinagot na " Oo, malala na" at di ko mawari kung bakit ko yun nasabi.Ang talukap ng mata niya ay  namigat at tuluyang sumilip ang luhang matagal niyang pinigilan. Sa tindi ng galit ko ay sinabi ko sa kanyang tanggapin na ang lahat pero ang totoo'y parang sasabog ang utak ko sa kaiisip kung bakit sya pa ang nabiyayaan ng ganoong sakit. Naghanap ako ng masisi subalit wala akong mapagbuntunan kaya ganoon na lamang katapang ang demonyong kumubkob sa aking nagdaramdam na puso .Ilang saglit pa ay nanahimik ang pagaspas ng dahong tuyo na pilit paring kumakapit sa punong unti-unti naring nanghihina.Isa lamang siyang dahon sa libo-libong nakakapit sa sanga subalit kaya niyang patumbahin ang matipunong katawan ng puno at nakakahawa ang kanyang kalungkutan, nakamamatay ang kanyang hinaing at nakalulunos ang mga katagang binibitawan niya sa tuwing sya ay mangusap

Sundan ang karugtong...

Ang  DahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon