luluwas ako ngayon sa Manila dahil kailangan ko magtrabaho para matulungan ko si inay at mapag-aral ko mga kapatid ko
hindi pa ako tapos sa pag-aaral pero no choice ako kailangan kong tulungan si Inay sa mga gastusin sa bahay
alam kong nahihirapan na siya sa amin dahil simula noong lumayas si Tatay ,si inay na ang umako ng responsibilidad niya
ayaw ni nanay na huminto ako sa pag-aaral pero naa-awa na ako sa kanya ,matanda na si Inay para maghirap pa sya ng ganun,kaya ako nalang ang magtrabaho para sa kanila
9years na simula noong iwan kami ni Itay pero hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanya kung ok lang ba sya o buhay pa
oh anak mag-ingat ka doon ah tumawag ka sa amin pag nakarating kana doon sa Manila sabi ni inay habang pasakay ako ng Bus
opo nay huwag kayong mag-alala mag-iingat ako doon at tatawag po ako pag nakarating na ako doon
mag-iingat kayo dito Inay alagaan niyo po mga kapatid pag may kailangan po kayo tumawag kayo lang sa akin
kayong dalawa Ej at Tricia wag kayong pasaway kay Inay mag-aral kayong mabuti,tulungan niyo sya sa gawaing bahay ,sermon ko sa dalawa kong kapatid sa totoo lang ayaw din nila akong payagan dahil wala na daw silang ate na magtuturo sa kanila tuwing gabi pag may assignment sila
si Ej 14 years old palang 3rd year high school na at si Tricia naman 12 years old 1st year high school narin siya
sige ho Inay aalis na po ako sabi ko sabay yinakap ko silang tatlo
nakarating ako ng madaling araw dito sa terminal ng Cubao hinihintay ko si ninang dahil sya daw ang magsusundo sa akin
siya ang nag-offer ng trabaho sa akin pero sa anak ng amo niya ako mamasukan
ok na sa akin yung ganong trabaho sanay naman ako magluto at maglinis ng bahay
ang hirap kasi maghanap ng trabaho ngayon lalo na't hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral
pero mag-iipon ako para makapag-aral din ako pag medyo may ipon na ako
after 30 minutes nandito nadin si ninang papunta na kami ngayon sa bahay ng boss niya
sabi niya mababait naman daw sila
siguro mabait sila kasi ang tagal na ni ninang dito sa kanila
huminto ang sinakyan namin sa tapat ng malaking bahay
napa wow ako sa sobrang laki at ganda ng bahay nila
pagpasok namin sa loob
sinalubong kami ng Boss ni ninang
sobrang puti ganda niya
ang kinis ng balat
parang 30 years old lang sya
hindi halata na may anak na siya
hello po ma'am ito nga pala si Janelle inaanak ko po pakilala ni ninang sakin sa boss niya
hello ma'am good morning po bati ko naman sa kanya
good morning din iha ngiti nito sa akin
nag-almusal naba kayo? tanong niya kay ninang
hindi pa ma'am sagot naman ni ninang
halika kayo sabay sabay na tayong mag-almusal yaya niya sa amin