♡ Chapter 27 ♡

328 20 6
                                    

|| Jimin's POV ||

"Yah, Jungkook. Bat mo sinabi yun?!" Tanong sa kanya ni RapMon hyung nung pagka alis nina Kei.

"Bakit? Anong problema sa sinabi ko? Wala naman eh" kalmadong sabi ni maknae habang naka upo pa din sa hagdan.

"Anong walang problema? Dahil sa sinabi mo, magkakaproblema tayo. Hindi mo ba alam?!" Sabi ko at tiningnan siya ng masama.

"Ano bang problema niyo sa ginawa ko?! Sinabi ko lang naman sa kanya yung totoo eh, anong masama dun?!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sinabi niya, hindi ba talaga siya nag iisip?

Dahil sa ginawa niya kay Yein, pwede siyang magsumbong sa mga magulang niya na hindi pala siya minahal ni Jungkook. Tapos mararating iyon sa mga magulang namin at malalaman nila na bumalik na pala sina Wendy.

Hindi pa kasi alam ng mga magulang namin na bumalik na dito sa Pilipinas sina Wendy eh, atsaka at mas lalong hindi nila alam na nakatira lang kami sa iisang bahay.

"Alam niyo, mas mabuti pang wag tayong mag usap usap dito" rinig kong sabi ni Suga hyung kaya napatingin kami sa kanya.

Nginuso naman niya si Yeri kaya napatingin ako sa kanya, nakita ko siyang nakatayo sa gilid habang nakakunot yung noo niya. Siguro nalilito siya sa pinag uusapan namin, tama nga si Suga hyung, dapat hindi kami dito mag uusap.

"Ah, ano. Yer--" naputol yung sasabihin ni Jungkook nang tumunog yung doorbell namin sa pinto.

"Ako na" sabi ni Yeri saka pumunta dun para buksan yata yung pinto.

Napatingin naman si RapMon hyung kay Jungkook ng masama kaya tinaasan siya ng kilay ni maknae.

"Problema mo?"

"Mag uusap tayong lahat mamaya" sabi ni hyung kaya nagkibit balikat nalang si Jungkook.

Maya maya, dumating na si Yeri kasama sina Manager. Okay, ihahanda ko na yung sarili ko sa sermon na matatangap ko mamaya galing sa kanila.

"Pandak, tawagin mo na si Jhope at V sa taas. Sabihin mong nandito na sina Manager" utos sakin ni Rapmon hyung.

"Manguutos ka na nga lang, may kasama pang lait? Tsk, pasalamat ka at mabait ako" irap ko sa kanya saka nagsimula na sa pag akyat sa taas.

"Edi thank you" rinig ko pang sabi ni hyung pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Jimin oppa! Sama ako!" sabi ni Yeri saka tumakbo paakyat sakin, napatingin uli ako kay hyung saka siya binelatan pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon