ROCKIESHA'S POV
Alam n'yo ba yung feeling?
Yung feeling na maloko ka.
Yung feeling na napaasa ka.
Yung feeling na masaktan ka.
Yung napaniwala ka ng isang pangako ng isang lalaki na kahit kailan daw ay hindi ka nya ipagpapalit. Na kahit kailan ikaw lamang yung prinsesa o dyosa ng buhay nya. Na kayo daw ang magsasama hanggang sa tumanda kayong dalawa, mamuti man ang mga buhok nyo, at kahit hanggang sa kamatayan pa ay wala daw makakapaghiwalay sa inyo.
Well.. ako alam ko. At sobrang sakit. SOBRA SOBRA SOBRA SOBRA SOBRANG SAKIT ang naramdaman ko nung naranasan ko ang feeling na yun.
Nung una kinikilig ako sa mga ganung pangako... kasi naniwala ako na yung mga nangyayari sa mga fairytale at mga palabas ay pwede ring mangyari sa totoong buhay.. pero ngayon hindi na. At kahit kailan ay hindi na mangyayari pang kiligin ulit ako sa mga matatamis na salita ng mga lalaki.
Kaya naman, ito ako ngayon.. natuto na. At itinatak ko na sa isip ko ang kasabihang "PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN".
Oo. Napatunayan ko na sa sarili ko na promises are meant to be broken talaga. Ganun naman lahat ng mga lalaki eh.. nangangako para mapafall nila yung mga babaeng gusto nila..pero yung pangako na yun, hindi naman nila kayang gawin.. lahat ng pangako nila... NAPAPAKO.
Syempre umasa ka sa pangakong yun.. kaya kapag napako, masasaktan ka.. ng SOBRA.
Tapos kapag nakapaghiwalay ka.. sasabihin ng mga lalaki "Just give me one last chance!.. please..". Uruur! Ilang beses ko na narinig yan, at ilang 'last chance' na ang naibigay ko sa iyo.
At sa mga naranasan kong sakit na yun ng dahil sa walang kwenta at mga walang katotohanang mga pangako na yan.. kasabay nun, ay ang pagsabi ko sa sarili ko na 'simula ngayon.. hindi na ako maloloko.. at hinding-hindi na ulit ako magmamahal sa isang maling lalaki...'.
By the way. Ako si Rockiesha D. Dela Fuente, nanay ko si Jane D. Dela Fuente at ang tatay ko naman ay si Joee D. Dela Fuente. Kuya ko si Jonash D. Dela Fuente, na member ng kilalang-kilalang gang sa pakikipag-away na 'BEDLAM GANG' na palagi namang kaaway ng 'TUMULT GANG' na both means 'chaos' o gulo sa tagalog.. juskoo! Naidentify ko na.. nasabi ko na ang lahat ng family members ko.
Ako naman? Kung idedescribe ko naman ang sarili ko.. ako naman yung babaeng gandang-ganda sa sarili! Pero maganda talaga ako. At ako na ang PINAKACORNY NA BABAE! Sa balat ng lupa!
We are the owner of the 'BEDAZZLE INC.' na isang magazine company.. sabi ng mga parents ko, kapag nakatapos na ako ng college.. iteturn-over na daw nila sakin yung business namin na yun. Syempre may sariling business din naman si kuya Jonash na wala na lamang ginawa kundi ang makipagbasag-ulo.
Malapit na akong grumaduate.. 3rd year college na kasi ako sa next school year, but not in the same school anymore.. dun muna ako pinatira nina mama sa condo unit namin sa Mendiola,Manila.. tapos dun na ako pinag-aaral sa SanBeda College..
Narinig ko na yung school na yun dati pa.. pero hindi ko alam kung anong klaseng mga estudyante ang mga napasok dun eh. Sana mga mababait..
Actually.. tomorrow na ang first day namin eh. I'm a irregular student kaya sure ako iba-iba ang magiging classmate ko.
At syempre, nireready kona mga gamit ko, para naman paggising ko bukas at kapag umalis ako bukas.. sure ako na wala akong makakalimutan. Ano kaya talaga ang mangyayari sakin bukas? Wala naman sanang mambully sakin.
Goodluck na lang sakin.
~end of chapter one~
(Hi guys! Ano sa tingin nyo o ano masasabi nyo sa chapter one? Follow me! Para hindi ka maiwan sa kwento ni Rockiesha at ng troublemaker! Next Monday ako mag-update!)
BINABASA MO ANG
The Troublemaker's Girlfriend
Teen FictionAng sakit maloko.. Ang sakit mapaasa.. Ang sakit masaktan.. Ang sakit mapaniwala ng isang pangakong napako..