MAY 3, 2016It's a fine Tuesday afternoon. As usual sobrang init sa Pilipinas and wala rin naman akong magawa so inayos ko mga gamit ko. Sobrang gulo kasi kalat kalat mga KathNiel merchandise, damit, other personal things. Lahat inorganize ko pati mga collection ko ng books.
Nung inaayos ko na yung mga personal na gamit ko may inopen akong box. It's a jewelry box, to be specific. Andoon yung heart necklace ko pero nung ka open ko, wala sya! Edi ayon hinanap ko, mini heart attack din kasi yon! Haha. Until may nakita ako. Isang silver bracelet. To be honest, sobrang tagal ko ng hindi nakikita simula nung umalis na sya sa buhay ko. Nakalimutan ko na nga yon eh until nakita ko ulit. In an instant, memories flashed like a bomb. Naalala ko ulit sya. But I know we're cool friends pero hindi talaga sya okay.
So I tweeted sa fan account ko, nakakahiya naman kasi kung sa personal account ko it'tweet. Mababasa nya, ng mga friends nya at yung current girlfriend nya. Ayokong ma-issue na naman because I'm tired. Tired of everything.
(read from bottom to top)
When my friend saw what I tweeted, nag private message sya sa Messenger ko. Sino raw tinutukoy ko. So kinwento ko lahat sakanya.
And to my surprise nag chat sya sakin!
So ayun nag panicked ako. Chinat ko uli yung friend ko, sobrang intense ko nun. Ang daming tanong sa isip ko. What if nakita nya tweet ko? Paano nangyari yun? Grabe naman yata yung tadhana.
My friend told me, "Bakit may feelings kapa ba sakanya?"
"No, wala na." I answered truthfully.
"Edi replayan mo!"
Kaya ayun nagreply nako, sabi ko "Hello po, Kuya!"
Sabi nya bored daw sya kaya niya naisipang mag chat. Hanggang sa nagka'kamustahan.
"Buti nga nagrereply ka padin eh baka mambashu kana ngayon."
Syempre typical na pag uusap saka sobrang cool ko lang sa conversation kaya kinwento ko yung nangyari kanina. Na nakita ko yung binigay nya ganon.
"Ah naalala ko yun, di pwedeng di ko makalimutan."
Hanggang sa napunta sa lovelife. Sabi ko stay strong sakanila ni ate. And he even told me na "Sure ka okay lang mag chat?"
He thought I have a boyfriend. Pero wala naman no.
"Ofcourse." sabi ko naman.
"Stay strong din sainyo. Wait, appropriate bang sabihin din yun?"
"Hmm nope eh, wala naman kasing kami."
"Oh? How come?"
Ayan mejo napakwento ako ng nangyari sa buhay ko.
"Life goes on noh, wag ka magpaka bitter." Sabi nya pa.