Chapter 14 "Queens VS. Skotadi Kyrarchia"
[Bianca's POV]
Weeks passed.....
"Alright class?"
Ano raw??
Umalis na si ma'am at may pumasok naman na estudyanteng babae.
"Good morning, thank you pala at nag volunteer si ma'am na kayo ang tutulong sa amin sa paghahanda ng Acquaintance Party next week"
Oo nga pala, last week na ito sa month of June, next week will be our Acquaintance Party. Hay naku naman, pero OK na rin iyon, at least may natutulungan kami.
"Let's start na?"
[Ice' POV]
Nasa gymnasium na kami. Kami RAW ang tutulong sa kanila. Napakaswerte naman nila kung ganun. Psh, hindi naman kami utusan para pagawain ng mga bagay na ito pero OK na rin kasi boring din kapag ang mga mukha ng mga guro lang namin ang nakikita ko araw-araw.
Naka assign pala ako sa physical arrangement, ang iba kong kaibigan, iba rin ang task na na assign. Magkakahiwalay na naman kami.
"Team up ang physical arrangement at ang stage decoration"
Team kami ni Jess, gusto niya kasing magdecorate ng stage kaya nagvolunteer siya. Ako? Hindi ako nagvolunteer, may nag assign sa akin.
"Physical arrangement volunteers, pakikuha na lang ng mga silya"
Kung maka utos ang gurong ito, parang walang kamay at paa. Psh.
Umalis na kami at pumunta sa storage room kung saan naka store ang mga silya.
Kumuha ako ng pitong silya at binuhat ito.
"ICE! Naku! Andami naman niyan!"
Tumingin ako sa nagsalita. Psh, pakialamero masyado ang kambal ni Ruan.
"Hindi, OK lang. Kaya ko naman"
"Kung tatlo lang ang buhatin mo? Baka kasi hindi mo kayanin"
"Kaya ko"
"Sure ka?"
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na.
"Hoy nerd"
Psh, siya na naman.
Hindi ako huminto sa paglalakad.
"Akin na yan"
Bigla niyang inagaw sa akin ang mga silya na hawak ko. Psh, tinatrato nila na isang pabigat ang mga babae.
"Kaya ko"
"Hindi mo kaya. Ito na lang ang buhatin mo"
Binigyan niya ako ng tatlong silya.
"Kung sapakin kita Ruan?"
"Pwede ba nerd, wag matigas ang ulo?? Baka kasi mapaano ka"
"Hindi porket babae, hindi na kaya bumuhat ng mga bagay na kayang buhatin ng isang lalake"
Kinuha ko ang pitong silya at naglakad na.
"Oh"
Binigay ko ito sa isang lalake na nag aarange ng mga silya.
Bumalik ako para kumaha pa.
"AHH!!!!"
Napaupo ako. Don't get me wrong, hindi ako ang sumigaw.
Psh, sakit ng ulo ko ha.
Napahawak ako sa ulo ko. Sakit talaga......
Hinawakan ko ang salamin ko na nakababa ng konti. Inayos ko ito at tumayo. I offered my hand sa babaeng sumigaw.
BINABASA MO ANG
The Comeback of the Legendary Gangster
AksiIsa siyang gangster noon at nagdisguise na nerd ngayon. Tinalikuran niya ito dahil sa isang pangyayari. Tinagurian silang "THE LEGENDARY GANGSTERS". Pumasok sila sa eskwelahang hindi nila inaasahan. Kahit hindi transferees, iba ang tingin ng kanilan...