Here we go again oras na para pumasok sana naman Hindi sya late
"Oy jess ano ang tini tingin-tingin mo dyan sino ba kase ang hinahanap mo ???"ang sabi ni John seatmate ko
"Wala,tinitignan ko kung nandyan si maam"
"Si maam nga ba o si Richard???" Habang nakatingin sa akin ng nakaloloko
"Hindi ah!! Bakit ko naman sya hahanapin Hindi nga kami close nyon eh"sabi ko habang nakayuko
"Tssss nakakahalata ka masyadong defensive Alam ko naman kung gaano mo yun kamahal eh"
"Mahal ka dyan Hindi kaya crush ko pa lang yun eh!!!"sabi ko ng pasigaw
"Aha!!! Sabi nga ba eh may pagtingin ka Kay Richard eh!!!"na akala mo ay nanalo ng lotto
Shit bakit naman kase itong bunganga Kong napakadaldal eh
"Oy wag mo sabihin secret lang natin to ah!!"habang nagpu-puppy eyes
"Kadiri!!! Ka di bagay sayo OK na di ko na sasabihin pero hang gang kailan mo yan itatago????"habang nakatingin sa akin
"H-hindi ko alam" habang nakayuko
"Hindi mo alam o walang balak????"habang nakatingin sa akin
Hindi nasagot dahil nakita ko sya pero ang masaklap kasama nya si Nicole ang muse namin
Nagulat ako nang biglang may nagtakip sa mata ko
"Alam mo na nga na nasasaktan ka na tinitignan mo pa rin"
Tinggal ko ang kamay ni john habang may luha sa aking mata
"Bakit ba ano ang magagawa ko kung sya lang ang nakikita ko" habang lumuluha
"Alam mo naman ang sagot ah"
"Alam ko nga ang sagot pero hindi ko kaya"habang patuloy-tuloy ang agos ng luha ko
"Oh! Baka ang isipin nila ako pa ang nagpaiyak sayo" habang inaabot ang panyo nya
Kinuha ko ito at pinunas sa aking mga mata
"S-salamat ha! Bukas ko na lang isasauli lalabhan ko pa"
"Geh kahit wag na" kinuha nya sa kamay ko ang panyo nya
"P-pero--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa sobrang lapit ng mukha namin
"Yung mahal mo ang sama ng tingin sa akin" habang magkalapit ang mga mukha namin
Tinignan ko at biglang napaiwas dahil sa sobrang sama ng tingin nya kung nakamamatay lang ang tingin kanina pang patay si john
Pero bakit posible kaya may----hay naku masakit ang umasa
Napahiwalay na lang kami bigla ni john nh biglang nagdabog si richard sa pag-upo sa harapan ko
"Oh! Ano problema mo tol???" Sabi ni john
Sinamaan nya lang ng tingin si john
"Oh! Easy brad ang sama ng tingin mo sa akin ah!!!"
Hindi na lang sya pinansin ni richard at saktong pumasok na rin si ma'am
Tinitignan ko lang sya us always natutulog sya
Napakaamo talaga ng mukha nya parang syang anghel,ang mga pilik mata nya na mahahaba,ang matangos nyang ilong,at ang labi nyang na nanghihikayat na halikan mo sya
Nagde-daydream ako sa kanya nang biglang dinilat nya ang mata nya at tumingin sa akin na parang meno-memorize nya ang mukha ko nasa ganyan kami ng posisyon ng biglang kinalabit ako ni john at kanina pa raw ako tinatawag ni maam