Rain's POV
"Dapat talaga hindi na ako umalis sa cafe kahapon," sabi ni Drake.
"Okay na nga 'yon. 'Wag mo na ipaalala! Dapat hindi ko na kwinento!" nagmamaktol kong sabi kay Drake.
"Nag-aalala lang naman ako"
"Salamat pero 'wag na paulit-ulit, nahihiya ako eh" sabi ko tapos yumuko na lang.
Sinapak ni Ethan kahapon yung lalaking taga ibang school na humawak sa---okay, basta yon. Aambahan pa sana ni Ethan ng suntok yung lalaki kaso biglang dumating si Sir Vergara, yung manager. Akala ko nga pagagalitan na naman niya kami pero nagulat ako nang wala siyang parusa na binigay sa amin. Akala ko rin pagbabawalan na niya ako magtrabaho doon pero sabi niya hindi ko naman daw kasalanan na nangyari 'yon. Hays, buti na lang hindi praning si Sir Vergara kahapon.
Naku! Makita ko lang talaga yung bastos na ulupong na 'yon, hindi na siya masisikatan ng araw!
Pero ang ikinababahala ko ngayon, si Ethan. Kasi naman eh! Medyo nagkasagutan kami kahapon habang hinahatid niya ako pauwi sa apartment. Hindi ko naman sinasadya na masabi 'yon dahil ilang araw ko na kasing iniisip ang mga sinasabi niya sa akin. Sino ba namang di mababaliw diba?
*Flashback*
Buti na lang talaga kasama ko si Ethan. Pero kahit hindi naman kaya kong pasabugin yung bungo ng bastos na lalaking 'yon. At ang pinakamaganda sa lahat ay walang topak si Sir Vergara ngayon.
"Alam mo kahit hindi mo naman sinuntok 'yon, kayang kaya ko yun! Hahaha" sabi ko kay Ethan habang natatawa. Kanina pa kasi siya tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan na nababalot sa aming dalawa. "Naunahan mo lang talaga ako! Naku, kung ako talaga nakasuntok doon baka di ko 'yun tinigilan tapos sisipain ko pa yun sa--"
"You let him touch you from the very beginning, hindi ka man lang nagreact tapos sasabihin mo sa akin 'yan? Come on, Rain!" bigla niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa tono niyang 'yon pero bigla akong natakot at medyo naoffend. So anong ibig niyang sabihin? Na nagustuhan ko yung paghawak ng hinayupak na 'yon sa pwet ko?! Sino bang gustong mahawakan sa parteng 'yon ng taong hindi mo naman kilala?!
"So anong sinasabi mo?! Anong gusto mong iparating?!" medyo tumaas na rin ang boses ko.
"Sana umpisa pa lang, dapat nagreact ka na! At ang masama pa doon, bumalik ka pa sa kanya. Anong klase 'yon, Rain?!"
"So ganun? Feeling mo nagustuhan ko? Binastos ako, Ethan! Tingin mo nagustuhan ko?!" sigaw ko pa. To think na nandito kami ngayon sa isang eskinita at mabuti na lang kami lang ang tao. Nakakainis! Balak niya ba talaga akong awayin?
"That's not my point, Rain! I know you're not that kind. But you should know how to protect yourself!" He clenched his jaw. Talagang masama ang mood niya ngayon, nakikita ko yun sa mga mata niya, pati na rin sa paghinga niya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...