---Habang unti unti kong tinatanggal ang necktie sa leeg ko na nakasanayan ko ng ilagay, dali dali akong pumunta sa kwarto at binalibag ang suitcase na bitbit ko mula sa opisina.
"Wala na, tangina wala na! Pano na ang pamilya ko? Pano na ang mga pangarap ko para sa mga kapatid ko?! "
Sa sama ng loob, naisipan kong maglakad ng maglakad. Wala na kong pake kung saan ako dalhin ng mga paa ko, Wala na kong pake kung may humarang sakin at pagsasaksakin ako, Wala na kong pake kung anong mangyari sa buhay ko sobrang pagod na ko. Isang bagay lang ang gusto kong gawin ang...
"Tapusin ang buhay ko."
Dirediretso lang ako sa paglalakad, kasabay ng pagtulo ng pawis ko ay ang luha ko na walang tigil sa pagpatak. May mga kotse sa gitna ng kalsada na di ko na naririnig ang tunog. Tila ako lumilipad, nawawala, at di na mahanap ang sarili. Sa kakalakad ko di ko namamalayan na nasa gilid na pala ako ng tulay. Pinagmasdan ko ang ibaba ng tulay, may malalim na ilog na tila tinatawag na ko sa aking pangalan.
Habang tumitingin ako sa lalim ng ilog bumabalik sa isip ko ang lahat lahat ng hirap na dinanas ko sa buhay ko pati na ang mga tanong sa isip ko sa mga oras na ito.
"Pano na sila kung wala na kong trabaho, Ako lang ang inaasahan nila at pagod na pagod na ko."
Gusto ko ng tapusin ang lahat ng paghihirap ko... Nakatayo na ako sa apakan ng tulay, natatanaw ko na ang lalim ng ilog, handa na ang mga paa ko sa pagtalon. Nakapikit na ang mga mata ko, nalalasap ko na ang malamig na hangin, Eto na matatapos na rin sa wakas ang lahat ng paghihirap ko......
"BAKIT LEXTER BAKIT?! WHY DID YOU LEAVE ME?! I HATE YOU LEXTER HOW COULD YOU?!!!!!!! I TRUSTED YOU, GAGO KA!!!! ANG SAKIT SAKIT NG GINAWA MO SOBRANG SAKIT. I WANT TO END THESE PAINS, I'M FUCKING TIRED!!!!!!! "
Bigla akong napatigil sa pagtalon ko at tila nahimasmasan sa boses ng babae na narinig ko. Hinanap ko ang boses na yun at natanaw ko ang isang babaeng nakakulay dilaw na nagsisisigaw at nagwawala sa kabila ng tulay.
ČTEŠ
Both Ends
Romance"Death comes, everything ends. " What if nagtagpo ang dalawang tao sa oras na parehas nilang gustong tapusin ang buhay nila? Is it still an end or a new beginning?