Ang CRUSH o paghanga ay unang nararamdaman kesa sa LOVE. Kapag nakakakita ka ng opposite o same sex man ay naattract ka na dito at madalas lumabas sa bibig na "CRUSH KO NA NA SIYA." ito ay dahil maaring humahanga ka sa physical, ugali o characteristics ng isang tao. Para sa akin matatawag ko ang crush na new born feelings toward opposite or same sex man ito. Bakit? Kasi habang tumatagal nag-iiba ito, maaring mawala o magpatuloy ito. Hal. crush mo siya dahil sa ugali nyang maganda ngunit di naglaon nalaman mo ang tunay niyang ugali at naturn-off ka,so biglang nawala yong nararamdaman mong paghanga sa kanya.
Paano nga ba malalaman na Crush mo ang isang tao?
1. Madalas mong hinahanap ang info. niya
2. Hinahanap mo ang pangalan niya or account niya sa mga website like Facebook,Twitter atbp.
3. Lagi mong Binibisita ang timeline or profile niya. Im sure nakita mo na lahat ng picture niya :">
4. Madalas mo siyang Iniisip bago ka matulog as in lahat ng kiligable moment niyo >.<
5. Hinihintay mong magtext o magchat siya sayo. (Teh!Kuya! Hindi ka nyan i-tetext o i-chachat! Kaylangan ikaw ang mauna. Maliban na lang kung Crush ka rin niya at siya ang mauna.)
6. Na-try mo ng i-flames ang pangalan niyong dalawa.
7. Lagi mo siyang hinahanap <3
8. Kapag hindi mo siya nakikita or absent siya feeling down ka na. Malungkot ka o wala sa mood ampeg!
9. Nag papapansin ka sa kanya. Gusto mo laging ikaw ang bida sa paningin niya.
10. Iniisip mo siya ngayon at nakangiti ka pa :))
Oh diba? Share ko lang yan sa inyo :) Dahil lahat din ng yan nangyari na rin sakin <3
Add me on acebook : https://www.facebook.com/catherinejoycristobal
Follow me on twitter : https://twitter.com/CathyIsWeird