Bakit ganoon?

240 1 0
                                    


BAKIT GAN'ON? PATI MGA BAGAY BAGAY SA MUNDONG ITO AY PAASA NARIN?


Hindi niyo ba nagegets yung pangungusap sa itaas?



Yung mga bagay-bagay?



Nakakainis kasi yung tipong iniwanan mong nagcha-charge yung cellphone mo para magamit mo ng mas matagal mamaya pero nakalipas ang isang oras na akala mo nagcharge yun pala hindi?


Buwisit na charger 'yan oh. PAASA, leche.


***


May oras din na akala mo magiisneeze ka tapos yun pala iniwan ka lang sa ere na nakanganga? Pati pala ilong mo, PAASA.


Iniwan ka na ngang nakanganga, hindi mo pa alam yung feeling kung makati o kakamutin mo yung loob kasi nga nabitin ka.


***


So, yun na nga. At heto pa. Nasubukan mo na bang umutot? na may kasamang kises or sabaw? Yung akala mo hangin lang ang lalabas yun pala may kasamang kabit?

PAASA yang pwet mo.


Hiwalayan mo na 'yan! Hindi ka lang pala pinaasa, nagsama pa siya ng kalandian niyang sabaw! Putek, mas maitim pa nga eh kaysa sa kulay mo. Hahaha


***


Magagalit ka na ba sa mata mo? Kasi yung oras na antok na antok ka nung may ginagawa ka pero pagkahiga mo sa kama biglang nawala yung antok mo. Nauwi ka tuloy sa pagtulog ng madaling araw..

PAASANG MATA.


Okay na eh! Maayos na sana yung schedule mo!


***



Gets mo na ba yung pangugusap na tinutukoy ko sa itaas? Sana naman 'Oo' para makakain na ako, hahaha.


Ang Libro ng Paasa at PinaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon