Feb. 2, 2079
"Goodmorning!!! Goodmorning daddy!!! Goodmorning mga kuya!!"bati ko sa kanila habang abala silang naguumagahan.
"Aba,aba,aba, mukang maganda ang gising ng ating prinsesa!halika na dito sumabay ka na kumain"pagtawag sakin ni daddy.
"Oo nga dad, baka naman may...bagong nagpapatibok ng puso nya!!"eto naman si kuya nagsisimula nanaman mang asar
"Huy! Grabe naman kuya. Wala naman."mabilis kong sagot.
"Hala. Wala daw,eh ganyan nga ang ngiti mo noong----"at dumagdag pa ang isang kuya.
"Noong ipinakilala ko sya sa inyo?"pagharang ko sa sinasabi nya.
"Wag na natin balikan yun pwede po ba mga kuya? At isa pa sinabi ko naman sa inyo eh, time out muna ako sa pag ibig na yan"dagdag ko pa.
"Oh siya, bakit ba ang ganda nga ng gising mo?"tanong ni daddy.
"Eh kasi nga dad, diba nasabi ko sa inyo last week na may project nga ako."sagot ko naman.
"Oh project lang pala. Akala ko naman kung ano. Bat ganyan ka makareact? At tungkol saan ba yun?"sunod na tanong ni daddy.
"Yun nga po, excited na ako. Kase po mag-iinterview po kami ng mag-asawa. Wedding anniversary kase nila ngayon. Tapos gagawan namin ng film." sagot ko.
"Ahh ganon ba anak. Sige, galingan nyo nalang." malungkot na sagot ni daddy.
"Haaay, eto namang si daddy. Umeemote na naman. Daddy, masaya na po si mommy ngayon."sagot ko.
"Oo nga dad, kung may pamilya na syang iba ngayon sigurado masaya na yun."Sabi naman ni kuya.
"Sige po, baka ma-late pa ako. Mareready na po ako."sabi ko naman.
Umakyat na ako sa kwarto ko, naligo, nagbihis at inayos ang mga kailangan gamitin para sa interview;yung camera at sd card. Haaaaay. Umupo ako sa harap ng salamin at tinignan ang sarili ko...
"Kaya mo yan. Lakasan mo nalang ang loob mo ha. Wag kang iiyak iyak dun. Nako. Pagtatawanan ka ng mga kaklase mo. Maging masaya ka nalang para sa kanila, para dun sa mag asawa...kase sila umabot sila sa araw na to. Teka? Pang ilang wedding anniversary nga ba nila ito?"
Eto nanaman ako. Kinakausap ko nanaman ang sarili ko....
Pero...wait lang people...readers...oo basta ikaw na nagbabasa nito...hindi ako ang may ari ng storyang toh... Panimula lang toh... Eto nga eh, hinahanda ko ang sarili ko. Baka kase mamaya bigla akong maiyak dun sa celebration... Isa kase ako sa mga sawi.. Isa ako sa mga bitter... Isa ako sa naniniwalang walang forever... Nasaktan na din kase ako... Matagal na kase yun pero masakit parin... Hay, tama na nga.
"Princess, nanjan na yung mga kaklase mo."sabi ni kuya habang kumakatok sa pinto.
"Ayy sige kuya. Pababa na ako."
Anjan na sila. Siguro naman handa na ako para mamaya.
~·~·~
Siguro nagtataka kayo kase taong 2079 na ang pangyayaring eto pero wala manlang katechno-technology masyado. Si Aira at ang pamilya nya ay kabilang sa mga taong nasa isang village na parang city dahil dito namumuhay ang mga taong ayaw magpadala sa henerasyon ng masyadong gamit na teknolohiya. Ang pamumuhay nila dito ay tulad ng kasalukuyan nating pamumuhay ngayon kaya lang medjo mas maayos pa ito. Kapag lumabas ka sa village na ito makikita mo ang malaking pagkakaiba. Kung saan gamit na gamit na ang teknolohiya. Wala ng traffic sa kalsada dahil ang mga ginagamit na sa transportasyon ay mga flying cars. Wala ka ng makikitang skwater sa kung saan dahil lahat na ng tao sa bansa ay nabigyan na ng tirahan. Malinis na din ang paligid pero... Ang pinakaproblema ng bansa ay ang unti-unting pagkabutas ng ozone layer. Dahil ito sa sobrang paggamit ng chemical sa paggawa ng mga produkto.
~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·
5/4/16
Sareh, begginer palang po.😊😊😊
BINABASA MO ANG
Until The End
Teen Fiction"Sa dami ng napagdaanan namin.....wala ng kahit ano ang makapaghihiwalay samin.." Sila na ba ang magpapatunay na may forever? Handa ka bang pakinggang ang buhay nila? Si Sarah na naghahanap ng pagmamahal. At si Bryan na nakukuha ang lahat ng gusto...