Page VI.

8 2 0
                                    

Kinakabahan ako. Green light pa ano ba yan, pls pakibilis. Ayan na Red light, Stop!

Binilisan ko na ang takbo ko dahil patalon na yung babaeng nakadilaw, hinagip ko siya sa pagkakatayo niya sa tulay at sabay kaming lumagapak sa lapag.

"Aray! Ano ba! sino ka ba sa akala mo?! sabi ko wag kang makialam diba?!?! dahil ayoko na! ayoko ng mabuhay!" sabi niya habang humahagulgol. 

Natigilan ako, tinignan ko lang yung babae habang pilit niya kong tinutulak palayo sakanya. Naiiyak ako sa nakikita ko, nalulungkot ako na may nakikita akong nasasaktan. Kaya niyakap ko siya kahit sinusuntok suntok niya ko sa dibdib, sabay sabing "Papakinggan kita, sige ilabas mo na lahat ng galit mo sakin wag mo lang tapusin ang buhay mo."

Maya maya nanghina siya kaya pinaupo ko siya.

"Gago siya, iniwan niya ko ng walang pasabi. tinapon niya yung 5 years na pagsasama namin. bakit niya ginawa yun, bakit?!"  hinaing niya habang umiiyak.

"Hindi ikaw ang nawalan, siya. dahil iniwan niya yung babaeng handang gawin lahat para sakanya. Hindi niya deserve ang luha mo, lalong lalo na ang buhay mo."

"Pero, siya ang buhay ko. Siya nalang ang bumubuhay sakin. Siya ang dahilan kung bakit ako naging masaya. Pano na ngayon na wala siya......" sagot niya.

"Nawawala ang mga tao sa buhay natin dahil nakalaan silang mawala. kung mahal ka talaga niya hindi ka niya iiwan pero nagawa niya, tadhana na mismo ang naglayo sainyo kasi hindi siya ang nakalaan para sayo. Kailangan lang natin matanggap yun. "

Wala na siyang naisagot kungdi ang pagluha niya na hindi niya mapigil. Pinunasan ko ang luha niya at niyaya siyang umalis sa tulay.

"Tara, pagusapan pa natin ang lahat. wag lang dito baka kung ano nanaman ang pumasok sa utak mo."

Nagpakapit naman siya sa braso kaya sabay kaming naglakad palayo sa tulay na parehas naming binalakang tapusin ang lahat.

Both Ends Kde žijí příběhy. Začni objevovat