Feel the winds
Urgh! Ayaw ko pang gumising pero hindi ko na magawa dahil nandito na sila sa kwarto ko at ginigising ako.
"Deanne, gising na dali jogging tayo. Maaga pa naman e." Yugyog sakin ni Samantha. Tss alam kung nilock ko ang pinto ko a pero pano sila nakapasok?
"Pano kayo nakapasok dito" kunot noong tanong ko sa kanila habang inaayos ko ang buhok ko. Pero nginitian lang ako ni Samantha.
"Hehehe. Ako pa. Pero~~ dali na Deanne --- Jogging na tayo!" Pamimilit nito.
"Tss, anong oras na ba?" Tanong ko dito. Nakita ko naman na pumasok si Gwen na nakabihis din ng jogging attire katulad ni Samantha at may dalang tumblr.
"5:30 na. kaya may dalawang oras pa tayo bago mag simula ang klase. So tara na." Mataray na sabi nito sakin. Napangiti nalang ako sa kanya. Ewan ko, nasasanay na ako sa katarayan nya. Tinignan ko si Samantha na naka-puppy pa. Nandiri naman ako sa kanya. Ang laking tao tapos mag gaganya ng muka?
"Stop that thing! Nakakadiri ka" sabi ko sa kanya na parang nandidiri at tumayo sa kama ko. "Ligo lang ako"
At nagtalunan pa sila sa kama ko! "Hey, baka may germs kayo!" Saway ko sa kanila pero tuloy padin sila.
Hays kaya iiling iling akong lumabas at pumasok sa cr.-
"Nakakatuwa dahil tatlo na ulit tayong nag jo jogging " masayang sabi nito na syang nakaagaw ng atensyon ko."Ulit?" Plain na sabi ko.
Nakita ko naman na para siyang nagulat at ganun din si Gwen.
"Ah. Eh." Sabi nito sakin pero hindi ko nalang pinansin at nauna na akong mag jogging sa kanila.
Sa totoo lang, wala naman akong paki alam kung ano man yon. Kung ayaw nyang sabihin ok lang sakin wala naman akong pakialam dun. Sino ba ako para malaman pa yung mga ganun nila diba. Wala akong paki kahit na may kaibigan pa sila tutal Hindi ko sila kaibigan para pag aksayahan ng oras at panahon. Magkakilala lang kami at yun lang yun--
"Ouch." Tinig nito sa maarting boses.
Kaya napahinto ako at may babaeng nakasalampak sa sahig. Tinignan ako nito ng masama kaya napakunot naman ang noo ko.Bakit? Kung hihingi sya ng tulong sakin ay sorry to her. Hindi ako tumutulong sa mga katulad nya kaya naman tinignan ko lang din sya at tsaka ko tinuloy ang pag jojogging ko. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humigit sakin kaya napahinto ako.
Siya ulit. Kaya tinignan ko lang ito.
"Hindi ka ba nag sosorry sa pagkabangga mo sakin?" Bulyaw nito sakin. Napaisip naman ako. Nabangga? Wala naman akong matandaan na may nabangga ako kanina. Kaya tinignan ko sya.
"Kung nabangga man kita, Bakit hindi ka umiwas" plain na sabi ko sa kanya. Na syang nagpabigla sa muka nyang maganda. Oo maganda sya at mayaman. Kita sa muka nya at pananamit. Para syang living doll.
"Huh? At bakit ako iiwas e, nabangga mo--" hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin nya.
"Stupid and weak." Yun lang ang sinabi ko. Tsaka ko sya tinignan ng blanko. Kita ko kung pano Namula ng husto ang muka nya.
Medyo lumiliwanag na din at nakukuha na din namin ang atensyon ng lahat ng tao na nagpapahinga malapit samin at nakita ko din sila Samantha na lalapit sakin pero tinignan ko sya na don't - dare - look ko na sya naman naintindihan ni Gwen. I'll always count Gwen sa mga gantong sitwasyon."How dare you to call me stupid and weak?" Mataray na turan nito sakin na parang nakanti ko ang pride nya.
"How? Hmn. I think because im not stupid and weak like YOU?" Ganti ko naman sa kanya na naka smirked. Nagtangis bangang naman syang tinignan ako at hindi makapaniwala.

BINABASA MO ANG
Cross The Line ( Bad-ass! Like Summer )
Teen Fiction"Nothing.. but full of bad-ass!" - Deanne Vithchelle