"A Confession"
(One Shot)
Written By
next_hystgirl
***
Hinahangaan ko siya since nung unang araw ng pagtapak ko sa school na to. Noong first high school pa lang kami. Lagi siyang nasa second section. Bilib ako sa kanya, kahit hindi pumapasok sa mga subject hindi siya nawawala sa second section hanggang ngayong fourth year kami. Ay, dalawang section lang pala kami ngayong fourth year. Puro "Dota" kasi ang inaatupag eh. Hindi ko nga alam kung may kilala ba siya sa batchmates niya maliban sa barkada niya. Play sa umaga, play sa tanghali, play sa hapon. Dalawang subject lang siguro ang napapasukan niya madalas. Alam na alam ko noh? Naging stalker din kasi niya ako minsan eh.
Tuwing dadaan ako sa room nila, sumusulyap ako sa loob. Minsan present, minsan naman hindi kasi siguradong abala sa computer. Isa siyang misteryosong lalaki dahil hindi masalita at hindi mahalubilo sa mga tao. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin sa hitsura niya pero I swear, napaka-neat niyang tingnan to say na maputi siya.
"Kyla, nagmumukmok ka na naman?" tanong ng best friend ko habang nakatambay kami sa loob ng library. Tambay-tambay lang.
"Hindi na naman siya pumasok," walang gana na sabi ko.
"Kung makamukmok ka dyan as if boyfriend mo siya eh noh. Alamo, nasa internet café lang iyan. Di ka naman nasanay dun."
Pakiramdam ko hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi siya nasisilayan ng aking mga mata. Kung hati-hatiin ko ang percentage na umo-occupy sa puso ko, makaka-50% siya. Ganyan ako kabaliw sa kanya.
Bukas na ang SSG election. Pinilit ako ng mga classmate ko na tumakbo bilang president. Hindi ako sikat sa campus pero matalino naman ako kaya mas kailangan daw ako ng campus. Hindi ko na sila tinanggahin pero ang katunggali lang din ay taga-section namin kaya nahati ang room namin ng dalawa.
Inikot-ikot namin ang buong campus para mangampanya. Kasama ko ang mga supporter ko. Nagsimula kami sa lower years papunta sa juniors at seniors. Kung alam ko lang na ganito pala nakakapagod. Aba'y hindi na sana ako tumakbo.
"Ang ganda niyo po! Iboboto ko kayo!"
Mula sa mga lower year, iyan ang natatanggap kong puri. Nagpapasalamat at ngumingiti nalang ako sa kanila.
At last, dumating na rin kami sa room ng mga senior student. Tuwing campaign period kasi kunti lang ang pumapasok na teachers kaya nung nasa second section kami ng fourth year. Hindi ko na maipaliwanag kung ano gaano kumabog ang dibdib ko. Nakatambay kasi sa labas ng room nila si Wesley at ang barkada niya. Nagtatawanan sila maliban lang sa kanya. Nakasandal sa pader, nakayuko at ang kanang paa ay nakatapak sa pader. May jacket na nakasabit sa balikat niya.
Bigla siyang lumingon sa direksyon namin at for the first time as far as I can remember, nagkatinginan kami mata sa mata. Bigla, parang may gumagalaw sa tiyan ko at ang puso ko parang lalabas na.
Hindi rin nagtagal, umiwas siya ng tingin at pumasok sa loob ng room nila. Napasimangot nalang ako sa di ko malaman ang dahilan. Alam kong kami magkakilala para masaktan ako dahil hindi man lang siya ngumiti pero seryoso, hindi man lang ba niya ako mapansin for the whole high school years?
Nawalan tuloy ako ng gana mag-campaign. Ang supporters ko ang namigay ng flyer na kung saan nakasulat ang name ko at mga kapartido ko.
"Uy, Kyla! Bigyan mo naman niyan si Wesley. Nasa loob siya oh," sabi sa akin ni Ram, isa sa barkada niya, magkakilala kami dahil magkaklase kami mula first year hanggang second year lang.
"Ha?" bakit ko? Ay!
Syempre kung itatanong ko yun sa kanila mahahalata ako."S-sige."
Pumasok ako sa loob ng room nila para bigyan siya ng isa pati narin ng iba na nasa loob.
BINABASA MO ANG
A Confession (one shot)
RomanceSometimes, you will have to confess in order to end your sorrow. Ay, ganun?