"Dalawa pong Goto, tsaka dalawang softdrinks."
Eto nalang ang natitirang pera sa bulsa ko, goto lang ang kayang bilhin kaya dinala ko siya dito sa paborito kong kainan ng goto pagstress ako.
"Pasensya ka na at eto lang ang kaya kong ilibre sayo."
"Ano ka ba, dapat nga di mo na ko nilibre kasi sinungitan kita kanina. Sorry ha. " sagot niya ng nakangiti.
"Wala yun, by the way I'm Renzo. And you are? kanina pa tayo usap ng usap di pa natin kilala ang isa't isa."
"Hello I'm Sierra, hahaha oo nga e napangunahan ng kwento ng buhay kesa sa pangalan. Nice to meet you, My suicide mate. " sagot niya ng tumatawa.
Ang priceless pagnakita mong nakangiti ang isang babaeng galing sa pagiyak, Ang sarap sa pakiramdam. Parang kanina lang parehas naming gustong tapusin ang lahat, tapos ngayon andito kami sa gotohan na palagi naming kinakainan nung bata pa ako nung kumpleto pa ang pamilya ko...
"Hey, ikaw naman magkwento. Nakwento ko na lahat tungkol sa buhay ko tapos ikaw wala ka pang sinasabi tungkol sayo. Bakit ka nga pala andun? " Tanong niya.
"Andun ako kasi, I want to end everything. Tulad mo, pagod na ko sa buhay ko. Pagod na kong asahan ng mga tao, nawalan ako ng trabaho 1 month ago ginawa ko lahat para makabalik pero wala na talaga. Sinubukan ko makahanap ng ibang trabaho pero wala akong mahanap. Buti nalang nakakautang ako pero nakakahiya na rin. I feel so hopeless and worthless kaya suko na ko. But narinig kita ang ingay mo kasi, patalon na ko pero pinigil ako ng boses mo. hahaha, nakakatawa lang na ang seryoso ng moment natin parehas tapos ngayon tinatawanan nalang natin." kwento ko.
"Kwits, pinigilan mo ko pinigilan kita. " sagot niya na may kindat.
ČTEŠ
Both Ends
Romance"Death comes, everything ends. " What if nagtagpo ang dalawang tao sa oras na parehas nilang gustong tapusin ang buhay nila? Is it still an end or a new beginning?