Page VIII.

7 2 0
                                    

Pagkatapos naming ubusin ang inorder naming goto, tuloy parin kami sa paglalakad sa labas patungo saan? di namin alam pero hinahayaan nalang namin ang mga paa naming magdikta kung saan.

"Tignan mo yung stars, napakaganda nila pero minsan nawawala sila at may panahon ding sasabog sila at hindi na mag-eexist. "

"Ayan ka nanaman sa pagiging deep mo renz, go with your point."

"Parang stars din ang tao, we are all blessed by beauty cause God made us. Pero lahat may katapusan, everything ends. We live, we die. that's life, pero tayo lang yung may kakayanang mamatay ng tayo yung gagawa. Cause stars and things die kahit ayaw nila. Pero tayong mga tao, tayo pa mismo ang gustong mawala at tapusin ang existence natin."

"Nakakalungkot isipin pero tayo pa yung umaalis sa light natin, na pag hopeless tayo ang dali para sating gustuhin mawala. I wish di na tayo maging ganon, pero ang hirap kasi talaga pagmay mabigat kang problema pero tayo din ang bubuhat nun e. We should not let our light die ng ganun ganun lang."

Dagdag ko pa sa sinabi ko. Napatungo siya sa sinabi ko, at napangiti na parang nagaalangan.

"You're right Renz, we should not let our light die just like that. We should fight for that light, mahirap pero ngayon nalilinawagan narin ako in some point. Thank you for opening my eyes to reality,  masakit but I shouldn't let my light be gone by my own hands. "

Natutuwa ako sa narinig ko kaya ngumiti ako sakanya at inakbayan siya.

"Mangako tayo sa ilalim ng mga stars na magtutulungan tayo. Tutulungan natin ang isa't isa hanggang sa maregain ang kinang natin parehas. "

"Yes, swear Renz. Wala ng bridge  moments."

Tuloy parin ang paglalakad namin ng nakangiti at parehas ng magaan ang loob. Kani kanina lang parehas kaming miserable at walang pakialam sa buhay namin. Ngayon naglalakad kami sa gitna ng dilim sa ilalim ng mga magagandang bituin, ng nakangiti.

Both Ends Kde žijí příběhy. Začni objevovat