Prologue.....
Natakbo ako sa gitna ng ulanan, di pwede to, di sya pwedeng mawala. Iyak ako ng iyak habang natakbo sa kawalan habang naulan. Wala akong makitang taxi, o kahit anong pwedeng sakyan, ang paraan nalang ay ang tumakbo ako. Takbo lang ako ng takbo para makarating sa pupuntahan ko, dama ko na ang pagod, sakit, at lungkot. Nanlalabo narin ang salamin ko dahil sa panak ng ulan. Bigla akong may nakitang taxi kaya pinara ko kaagad ito.
"Manong sa st. Acts hospital po. Pakibilisan lang po emergency lang po." Ako habang hingal na hingal.
Salamat at may nakita rin akong sasakyan.
Habang tumatakbo ang metro kasabay non ang pagtulo ng mga luha sa mata ko, napatingin ako sa cellphone ko tas nakita ko roon yung picture naming dalawa, lalong tumulo yung luha ko.
"Mam andito na po tayo"
nagising ang diwa ko sa narinig ko. Binigyan ko si manong ng dalawang libo at umalis na.
Pumunta ako sa counter at tinanong kung nasaan sya
"Nasaan po ang E.R nyo?" Ako na natataranta.
"Diretyuhin nyo lang po iyon at kaliwa po ay doon na po yung E.R" sa counter
Di na ako sumagot at tumakbo na papunta sa er, kinakabahan na talga ako. Pagkarating ko roon nakita ko papa alis na si doc at si daddy na yakap yakap si mommy habang naiyak. Pumunta ako sa kanila.
"Dad" nanginginig kong sabi
"Kamusta na po---" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang may palad na dumampi sa mukha ko pagkatingin ko si mommy pala ang sumampal saakin.
"Sophia." Awat ni dad kay mom
"Wala na sya dahil sayo autum wala na sya" si mom,
Pagka rinig ko ng mga katagang WALA NA SYA parang nag ulet-ulet sa tenga ko. Bigla nalang uli bumuhos ang mga luha sa mata ko. Yung kanina na iyak ko ay mas malala ngayon, dahil sa di ko na kinakaya yung nalaman ko tumakbo na ako palabas ng hospital. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napagod ako, ngayon nag lalakad na ako sa kawalan, habang naiyak sa distinasyong walang patutunguhan, nan lalabo na ang mata ko dahil sa ulan at luha ko, hinubad ko ang makapal na salamin ko at muling nag lakad. Diko namanlayan ay nasa kalsada na pala ako. Biglang may mabilis na ilaw ang paparating saakin, eto na ba? Susunod na ba ako sakanya? Habang papalapit ng papalapit yung ilaw bigla akong pumikit. Nagulat nalang ako bigla ng may humila sa akin. Pag kamulat ko isang lalaki, di ko mamukhaan dahil sa malabo ang mata ko.
"Ayos ka lang ba?" Sya,
Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hinalikan ko sya. Hindi ko alam kung bakit pero BEHIND THE KISS may naramdaman akong kakaiba di ko maipaliwanag kung ano.
"
Autor note:Hi, this is my first book sana magustuhan nyo po💜. Yung chapter1 po ipopost ko this week sana hahahah plss suportahan nyo po :).