M.O.O

49 2 0
                                    

Ang pag-ibig..

          … ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas,        hindi magaspang ang pag uugali…

                … hindi makasarili, hindi magagalitin o nagtatanim sa kapwa…

…hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama…

 ngunit….

…ikinagagalak ang katotohanan.

                    Ang pag-ibig ay mapagbata..

                               ...puno ng pag-asa at nagtitiyaga..

                                                           …hanggang wakas.

                                                                         (1 Corinto 13:4-7 )

---------------

Nakaupo ako sa isang kulay pulang swing habang nililibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng playground. Iilan lang ang taong nandito. Napakatahimik. Nakakabingi sa tenga.

Pinipilit kong maging kalmado.  Pinapayapa ang aking pag iisip.

Kalaunan ay tinutulak na nang kanan kong paa ang swing. Paunti unti na itong dumuduyan. Sumasabay sa ugoy ang kaliwa kong paa. Pumikit ako at ninamnam ang sariwang hangin na unti unting dumarampi sa aking mukha.

Mga bata pa lang kami ay ito na ang paborito naming tambayan ni Marcus. Marcus T. Quebral. Makoy ang palayaw niya. Moo kung tawagin ko siya, short for my only one. Naalala ko noong bagong gawa pa lang ang playground na ito, Grade six kami noon. Madalas sa playground na ito ang takbo namin pagkagaling sa school. Lagi pa nga kaming ginagabi noon sa pag uwi.

Napakalaki nang ginampanan ng playground na ito sa buhay naming dalawa ni Makoy. Dito siya unang nagtapat sa akin ng pag -ibig, 4th year high school kami non. Naging saksi rin ang lugar na ito noong sagutin ko siya nang matamis kong Oo, noong magpunta kami dito pagkatapos ng graduation ceremony.

Sa loob ng ilang taon, ang lugar na ito ang naging comfort place naming dalawa. Sa  lugar na ito, nagiging malaya kami. Panandalian naming nakakalimutan ang mga problemang aming pinagdaraanan. Walang iniisip. Walang iniintidi. Ang mahalaga ay magkasama kami at masaya sa piling nang isa’t isa.

Ngayon, luma na ang playground na ito. Ang mga mesa at upuan nitong gawa sa bakal ay kinakalawang na. Ang ilan sa mga swing, padulasan at sea saw ay hindi na nagagamit. Ang kulay itim na gate naman nito ay kinapitan na nang mga bulaklak ng yellowbell at mga ligaw na damo.

 Garden of love ang tawag namin dito noon. Dahil ginagawa itong lugar tagpuan ng mga magkasintahan. Magkasintahang gaya namin ni Makoy. Tama gaya namin ni Makoy. Noon.

Napatingin ako sa magkasintahang nakaupo sa isang lumang mesa. Ang sweet sweet nila.

Nagkukulitan.. Nagyayakapan.. Naghahalikan

Nakakainggit. 

Kinuha ko sa aking kaliwang bulsa ang aking kulay itim na wallet. Binuksan ko ito at tinignan ang litrato naming dalawa ni Makoy noong 1st anniversary namin. Napakagwapo talaga niya. Bagay na bagay sa kanyang maputi at maamong mukha ang kanyang kulay tansong buhok. Ngunit ang tunay na nagpagwapo sakanya ay ang dimple sa kaliwa niyang pisngi. Maya maya pa ay nararamdaman ko na sa aking mga kamay ang paunti unting pagpatak ng aking luha. Umayos ako nang pagkakaupo. Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking kanang kamay at huminga ako nang malalim.  

M.O.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon