happy break up

6 0 0
                                    

Drew's P.O.V

Higit isang buwan na rin mula ng maghiwalay kami ni barbie. Pero hindi parin alam ng buong barkada yun.

"Bro, ang lalim ng iniisip ah?" Sabay tapik ni danzel sa balikat ko.

"Hay, naku dan. Kung hindi si barbie yan si kristel yan." Pang aasar ni josh.

"Ano ba kayo si kristel kaibigan natin yun?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

Kring... (Msg. Ringtone)

From: kristel
Pwede mo ba akong samahan sa mall.

To: kristel
Sure.

Bigla akong napangiti sa txt, hindi ko alam kung bakit hindi naman ako dati ganito pag nagt-txt siya eh.

"Bro, puntahan ko lang si kristel, diyan lang kayo" pag papaalam ko.

"Sama kami" hirit nila.

"Wag na" sabi ko.

"Sige nga dito nalang kami, baka kasi makagulo lang kami sa date niyo" pang aasar ni danzel.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko sabay alis na baka kasi naghihintay na si kristel eh.

Pagdating ko sa mall nakita ko si kristel na naka upo sa coffee shop.

"Good morning" sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Good morning too" bati niya sa akin.

"Saan ba tayo pupunta at nagpasama ka sa akin?" Tanung ko sa kanya.

"Dito lang sa coffee shop, gusto ko kasi maka pag usap tayo eh." Sabi niya sa akin.

Kung sabihin kuna kaya sa kanya na break na kami ni barbie.

Kristel's P.O.V

Nag order na ako ng paborito namin mocha berry iced tea.

"Can i ask you something?" Nag aalangang tanung ko.

"Oo naman" mabilis niyang sagot.

"Break na ba kayo ni barbie?" Tanung ko sa kanya.

"Ahhhh??" Sabi niya na parang hindi niya masabi ang totoo.

"I saw her kasi doon sa marriage booth. Umiiyak siya sa gilid" sabi ko sa kanya.

"Nagbreak kasi kami, nung araw na maaksidente ka." Sabi niya at biglang tumulo ang luha ko. Bakit niya ginawa yun.

"Pero bakit mo ginawa yun?" Pagalit na tanung ko.

"Kasi importante ka sa akin, yun lang naman ang bagay na magagawa ko para makabawi sayo. Kasi sa tuwing kailangan kita lagi kang nanjan, kayo gusto ko, Lagi rin akong nasa tabi mo sa araw na kailangan mo rin ako." Sabi niya habang patuloy sa luha ang mata ko.

"Thank you" bulong ko sa kanya sabay yakap.

Sinakripisyo niya ang pagmamahal niya para kay barbie, dahil sa akin.

Habang naka yakap parin ako kay drew, nakita ko si barbie papasok ng coffee shop.

"Hi guys" bati niya sa amin.

"Hi" sabi ko sabay *fake smile*

"Kamusta kana??" Tanung ni drew na parang nahihiya pa.

"Okey na ako" sagot niya na parang nakarecover na.

"BTW, how are you kristel?" Sabay baling niya ng tingin sa akin.

"I'm fine na" matipid kong sagot.

Biglang may lumapit sa aming isang mestisong lalaki at inakbayan si barbie.

"Btw, guys this is lucas my boyfriend" sabi niya sabay shake hands namin dun sa lucas.

Ang bilis namang maka move on nitong si barbie nung isang araw lang nakita ko siyang umiiyak, pero ngayun.

"Btw guys, we have to go. Nice to see happy" sabi niya na walang halong biro o kapalastikan.

"Nice to see too" sabi ko, sabay beso niya sa amin ni drew.

Pag alis nila nung boyfriend niyang mestiso, mas gumanda pa ang aura ni drew, kasi alam niyang masaya na si barbie ngayun.

"Ang sweet nila noh." Ingit kong sabi kay drew

"Mas sweet pa tayo dyan" sabi niya sabay akbay sa akin.

"Drew" sabi ko sabay tanggal nung kamay niya sa balikat ko.

"Uwi na tayo" aya niya.

"Maya pa, punta muna tayo ng park" aya ko sa kanya.

Tumango lang siya at pumunta na kami sa park. Sa kanya na ako sumakay kasi pinauwi ko na yung driver namin.

Pagdating namin sa park, marami kaming couple na nakikita. Kami lang ata ang hindi couple. Umupo kami sa isang gilid sa park. Biglang may dumaan na nagtitinda ng balot.

"Balot, mam/sir" sigaw ni kuyang magbabalot.

"Kuya dalawang balot nga" sabi ni drew nung sa nagtitinda.

"Bakit dalawa ang binili mo alam mo namang i hate balot" sabi ko sa kanya.

Hindi pa ako naka tikim ng balot pero ayaw kuna ito.

"Tikman mo lang, promise masarap yan" sabay abot niya sa akin nung balot.

Umiiling lang ako sa kanya.

"Kung hindi mo magustuhan, ipagbabake kita araw araw pero pag nagustuhan mo yan, lagi mo akong ililibre for 1week." Hamon niya sa akin.

Tumango ako at binalatan niya na yung balot.

"Inumin mo yung sabaw" sabi niya sa akin sabay inom ko naman.

Tapos binuksan niya na yung balot i saw the part na may parang buhok o balahibo.

"OMG, drew" OA kong sabi.

"Masarap yan promise" sabi niya.

Kinain ko yung part na walang balahibo. Hindi ako umimik at ninanamnam ko lang ang kinakain ko.

"Oh, kristel ano??" Sabi niya na parang sabik na sabik sa sagot ko.

"Ililibre na kita for 1week" sabi ko sa kanya.

"Sabi ko sayo masarap di ba" masaya niyang sabi.

"Thank you" sabi ko saba yakap sa kanya.

Pagkatapos namin kumain, nag-aya na akong umuwi, gabi na rin kasi eh.

"Tara na" sabay hila ko sa kanya papunta sa kotse niya.

"Teka lang" sabay hinto niya. Napagod kasi siya tumakbo eh.

Habang nasa loob ako ng sasakyan niya kanta lang ako ng kanta kahit medyo sintonado.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon