mystery

10 0 0
                                    

Yannah's P.O.V

Maaga akong nagising kasi may practice kami sa cheerdancing. Maaga rin akong nagpahatid kay daddy sa school, excited lang ang peg.

Pagdating ko sa tambayan namin nandun na sina kathie, yannah at kristel, kasama rin kasi sila sa cheerdance eh.

"Aga niyo ah" bati ko sa kanila, sabay beso.

"Ito kasing si kathie, ang agang nagising" sabi ni kristel na parang na puyat.

"Late na ka po kasing umuwi kaya na puyat ka" pambabara ni kathie kay kristel.

Hindi na umimik si kristel at pumunta na kami sa kanya kanya naming locker para ilagay yung mga gamit namin.

Kristel's P.O.V

Pagbukas ko na locker ko, may nakita ako isang pulang rosas sa loob, at may notes pa.

Have a beautiful morning
with a beautiful lady like you.
                             Mystery Boy💘

Napangiti ako ng hindi na namamalayan.

"Ui, si insan may secret admirer" pang aasar ni kathie.

"Si andrew lang yan" sabi naman ni nica.

Si drew, si mystery boy. Imposible, yung mokong na yun mag iiwan ng bulaklak sa locker ko.

"Uy, may secret admirer ata tayo?" Pang aasar ni josh, na parang kabute na sulpot ng sulpot kung saan saan.

Biglang dumating sina drew at danzel.

"Good morning" bati ni drew, sabay beso sa akin.

"Good morning, later na yung libre mo" sabi ko sa kanya.

"Kanino galing yan?" Tanung ni drew na parang wala siyang alam.

"Sa secret admirer niya" sigaw nina yannah, kathie at nica.

Hindi mo maipinta ang mukha ni drew, may halong selos, na parang hindi ko maintindihan.

"Selos, ano kaba kristel. bakit naman magseselos si drew?" Sa utak.

"Guys, lets go mag uumpisa na ang practice" pambabasag ni josh sa akwardness.

Umalis na kami, at iniwan na namin si danzel at drew. Si josh kasi member din ng cheerleading.

Sino ba kaya si mystery boy, si drew ba?. Hindi naman siguro.

Habang nagpra pratice kami sa gym, nakita ko si drew na nasa taas nanunuod ng practice namin. Blangko at parang may malalim na iniisip.

"Okey lang kaya siya??" Tanung ko sa sarili. Pati ako tuloy apektado sa kanya.

"Kristel" sigaw nung couch namin sa cheerleading.

Kanina pa kasi akong walang focus sa practice namin.

"Pls, focus on what we are doing" sabi niya ulit sa akin, habang naka cross arm.

"Sorry couch, hindi na po mauulit" sabi ko, sabay balik namin sa kanya kanya naming pwesto.

"Couz, ano bang nangyari??" Tanung ni kathie.

"May iniisip lang ako?" Sabi ko sa kanya.

"Si mystery boy parin ba??" Tanung niya.

Tumango lang ako, at balik na ang focus ko sa practice namin.

Pagkatapos ng practice namin pumunta na kami sa cafeteria, pero hindi parin umiimik si drew.

"Hey, bro baka malunod ka niyan, sa lalim na iniisip mo ah" pang aasar ni danzel, pero deadma lang si drew.

"Drew, ano order mo libre ko diba" sabi ko pero deadma parin siya.

Umorder na kaming lahat pero siya hindi pa, wala ata siyang ganang kumain eh.

"Drew diet??" Pansin ni yannah. Pero still deadma parin siya.

Ano bang problema niya, hindi ako sanay na ganito siya eh.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Hindi na ako sumabay kay drew, kasi badtrip siya eh.

"Couz, okey ka lang?" Tanung ni kathie.

"Okey lang ako, pero si drew??" Pag aalalang sabi ko.

Dahil ba kay mystery boy kaya siya nag kaka ganyan.

Kathie's P.O.V

Bakit parang ang lalim ata ng iniisip ng mga tao ngayun, dahil ba ito dun sa mystery boy na yun.

Kung si mystery boy si andrew, eh bakit parang nagseselos siya kanina. Ang gulo.. Sino ba talaga si MYSTERY boy....

Umakyat na kami sa kwarto namin, hindi na ako nakikitulog kay kristel ngayun. Sa guest room na ako, nagawa na kasi yung aircon doon eh.

Kristel's P.O.V

Pag akyat ko sa kwarto ko, nagbihis na agad ako at humiga na sa kama.

Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa ko sa tabi ng kama ko, at nagbukas ako ng facebook ko. Pagbukas ko napansin kong may nag-add friend sa akin.

Mystery Boy, added you.
Confirm       Not Now

Sino ba itong mystery boy na ito, at napaka mystery talaga. Icoconfirm ko ba o hindi.

Mystery Boy.
Confirmed.

Wala naman siguro masama dun di ba. Biglang.

Kring...(messenger ringtone)

From: Mystery Boy
Hi☺

Kaka confirm ko palang sa kanya, nag message na kaagad. Hinintay ba niya talaga ang pag confirm ko.

To: Mystery Boy
Hello😊

From: Mystery Boy
Nagustuhan mo ba yung binigay kung bulaklak na sayo.

To: Mystery Boy
Btw. Thank You, nagustuhan ko pero pwede ko bang malaman kung sino kaba talaga.

Sigurado na ba akong gusto kong malaman kung sino ba talaga siya. Paano kung hindi nga si drew si mystery boy.

From: mystery boy
Soon.....😉

Hindi na ako nagreply sa kanya, ino-off kuna yung phone ko at natulog na.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon