ilangan pa more

11 0 0
                                    

Kristel's P.O.V

Maaga akong na gising dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko.

Kringggggg. .. Krinnngggggg.....
(Alarm clock).

Pag gising ko, dali dali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos diretso agad ako sa kitchen, gusto ko kasi ipagluto si mommy, daddy at syempre si couz.

"Ano kayang lulutuin ko?" Tanung ko sa sarili ko.

Nagbukas nalang ako ng refregerator namin. Para makaisip na iluluto. Pagkatapos kong mailabas lahat ng gagamitin ko inumpisahan ko na ang pagluluto.

Una kong niluto ang kain, sinangag ko ito paborito kasi naming apat yun eh. Tapos nagprito ako ng itlog na hinugis kong puso at nagprito ako ng tapa, para tapsilog ang dating.

Pagkatapos kong magluto, inayos kuna ang lamesa at ang mga plato at inilagay na ang mga niluto ko.

"Ang aga ata nagising ang baby girl ko" sabi ko ni daddy.

"Hindi naman po" sabi ko sa upo sa sofa namin.

Nagising na rin si mommy at parang nagmamadali.

"Daddy, Sweetie sorry ngayun lang ako magluluto ng breakfast natin" sabay punta sa kitchen, at nakita niya kami ni daddy na kumakain na.

"Mom let's eat" aya ko.

"Sinong nagluto??" Nagtatakang tanung ni mommy.

"Ako po" masayang sagot ko.

"Good morning people" bati ni kathie na kakagising lang.

"Kain na" aya ni daddy kay kathie.

Umupo na si kathie at nag umpisa nang kumain.

"Tita, ang sarap talaga ng luto niyo" sabi ni kathie na parang sarap na sarap sa kinakain niya.

"Sweetie, hindi ako ang nagluto niyan" sabi ni mommy kay kathie.

"Sino po??" Nagtatakang tanung ni kathie.

"Ang pinsan mo" sagot ni mommy.

"Pinsan ha. Inspired ata tayong maluto ngayun, dahil ba kay....?" Hindi na tinuloy ni kathie yung sinasabi niya kasi siniksikan ko siya ng tapa sa bunganga niya.

"Naku, ang baby girl namin" pang aasar ni daddy.

Hindi nalang ako umimik at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Tok... Tok... Tok...
May bisita ata kami ang aga naman. Tumayo si mommy at binuksan niya ang pinto.

"Good morning guys" hyper na bati ni yannah sa amin, na hide out niya na ata ang bahay namin.

"Good morning kristel, kathie, tito at tita" sabi naman ni nica sa beso sa amin.

"Wala ata ang mga boys" pansin ni kathie.

"Were here" sulpot naman ni josh na kabute. Kasama sina danzel at drew.

"Kain tayo" aya ni kathie sa kanila.

Umupo na sila at kumuha na ng kanya kanya plato at pagkain. Pagkatapos ay kumain na sila.

"Tita ang sarap talaga ng luto niyo, kaya siguro lagi kaming nandito" sabi ni drew habang sinusubo yung tapa.

"Oo, nga po tita. Pwede niyo po ba akong turuan kung paano lutuin ito" sabi naman ni yannah.

"Guys, hindi si tita ang nagluluto niyan" paliwanag ni kathie.

"Sino?" sabay sabay nilang tanung.

"Si kristel" sagot ni kathie at nagulat si na parang hindi maka paniwala.

"OMG. Bhessie inspired ah" sabi ni nica.

"Syempre nandito si drew eh" pang aasar ni josh sa akin.

Pero ako ito tahimik lang at naka tingin kay drew. Hindi na ba siya galit. Pagkatapos naming kumain nag paalam na kami kina mommy at daddy kasi mag sleep- over kami kina nica ngayun.

"Bye mom, bye dad" sabay beso sa kanila.

"Bye po tita at tito" sabi naman ng buong barkada, at sumakay na kami sa van nina nica.

Habang nasa loob kami ng van, ang tahimik namin ni drew. Magkatabi kasi kami. Medyo malayo ang bahay nina nica.

"Kamusta" nahihiyang tanung niya.

"Okey lang, ikaw?" Balik kong tanung sa kanya na para kaming tanga.

"Okey lang" sagot niya sabay lingon sa phone niya na parang may hinihintay na magtxt.

"Parang tanga" singit ni danzel.

Natahimik kami muli, para nga kaming tanga eh.

Tooot... (Msg. Ringtone)

From: 0990*******
Hi! Good Morning

To: 0990*******
Hu u?

From: 0990*******
Ang bilis mo namang makalimut.

To: 0990*******
HA???

From: 0990*******
Mystery Boy.

Napaka mystery mo talaga. Alam niya ang buong name ko, kung saan ako nag aaral at pati cellphone number na rin.

To: 0990*******
Where did you get my number?

From: 0990*******
Secret!! just like my name im full of mystery.

Daig niya pa ata ang mga mystery sa rosary.

"Guys, were here" sabi ni nica. Sabay baba namin sa van nila.

Nakaka panibago nga eh. Hindi niya ako inalalayan sa pagbaba ko. Nagtatampo parin ba siya, dahil parin ba ito sa mystery boy na yun.

Pumasok na kami sa bahay nina nica, actually hindi ito ang bahay na inuuwian niya araw araw, isa lang kasi ito sa mga rest house nila.

Pumasok na kami sa kanya kanya namin kwarto, marami kasing kwarto dito kaya tig-iisa na lang kami. Nagpalit lang kami ng mga damit namin at lumabas na ng mga kwarto namin.

"Pasyal tayo" aya ni yannah.

Tumango na lang kaming lahat. At lumabas na kami ng bahay nila.

"Dito kami dati naglaro ng mga pinsan ko" kwento ni yannah, sabay turo sa maliit na bakanteng lote.

"Dito naman ako lagi pumupunta kapag malungkot ako" sabi niya sabay upo sa isang malaking bato sa tabi ng dagat.

Habang namamasyal kami, wala paring imik si drew. Parang kaming tanga nag iiwasan ng walang dahilan.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon