Drew's P.O.V
Ang hirap talaga magtago at magpretend na okey ka lang. Mas mahirap itago itong nararamdaman ko para sa kanya.
Mahal kuna talaga siya pero kaibigan lang naman ang turing niya sa akin.
"Bro. Bakit hindi ka pa tulog?" Sabi ni danzel, sabay upo sa sofa.
"May iniisip lang?" Sagot ko sa kanya.
"Si kristel ba??" Tanung niya.
Tumango lang ako, sasabihin ko ba kay danzel na mahal kuna nga si kristel.
"Dahil parin ba ito dun sa secret admirer niya?" Sunod niyang tanung.
Hindi ako makasagut, dahil hindi ko alam ang isasagot.
"Sige, bro tulog na ako" sabi niya kasi alam niyang hindi ko sasagutin ang tanung niya.
Pag akyat niya sa kwarto niya, kinuha ko yung phone ko sa ibabaw ng mesa.
Kristel's P.O.V
Toooottt... (Msg. Ringtone)
From: 0990*******
Are you awake???To: 0990*******
Yes, how about you why are you still awake.From: 0990*******
I am thinking of you all the time.Ang chessy naman, nitong si mystery boy. Pero bakit parang kinilig ako.
"Hay, naku kristel wala lang yan. Siguro natutuwa ka lang kay msytery boy" sabi ng utak.
Siguro nga, ang tahimik naman dito. Tulog na ba silang lahat.
Lumabas ako ng kwarto para pumunta ng kitchen. At maghahanap ng makakain na gugutom kasi ako eh. Pagbukas ko ng freezer, may nakita akong ube keso ice cream. Naglagay ako ng ice cream sa baso at pumunta ng sala para dun kainin.
Pagdating ko sa sala nakita ko si drew na naka upo sa sala.
"Ube Keso" alok ka sa kanya.
Umiling lang siya at focus parin sa phone niya.
"Sorry na oh. Wag ka nang magtampo" panlalambing ko sa kanya.
"Hindi naman ako nagtatampo eh, sadyang marami lang akong iniisip" sabi niya, habang patuloy parin sa pagpindot ng phone niya.
Naramdaman kong nagring ang phone ko, baka si mystery boy lang yan.
"So bati na tayo" sabi ko sabay nung ice cream.
"Paano ka?" Tanung niya kasi iisa lang yung ice cream na kinuha ko.
"Di share tayo" sabi ko sabay subo niya sa akin ng ice cream.
Habang nasusubuan kami ng ice cream, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para tignan kung sino yung nag txt.
From: mystery boy
Galit ka??To: mystery boy
Hindi. Sorry kung ngayun lang ako nakareply.Sabay baba ko ng phone ko sa tabi ng phone ni drew at biglang umiilaw ang phone niya na parang may nagtxt.
"Sino kayang katxt niya?" Tanung ko sa utak ko.
Pagbaba niya ng phone niya sa mesa, biglang nagring ang phone.
From: mystery boy
Its okey. Why are you still awake. Do you thinking of me also.Bigla akong napangiti at nakita ni drew yun. Napaka mapiling naman nitong si mystery boy.
To: mystery boy
Nakakatawa ka. Sadyang di lang ako makatulog.Sabay baba ko ulit ng phone ko at sabay ilaw ulit ng phone ni drew, pero nakatulog na siya. Gusto ko sanang tignan kung sino katxt niya kaya lang baka magalit.
Bakit ganun sa tuwing ibaba ko ang phone ko sabay ilaw naman ng phone ni drew. At pag ibababa naman ni drew ang phone niya sabay tunog ng phone ko.
"Hindi kaya siya ang katext ko. Hindi kaya siya si mystery boy??" Sabi ko sa utak ko.
Imposible, baka hindi lang sinasadya. Baka nagkataon lang na nung ilalapag ko na yung phone ko sa mesa ay nagtxt yung katxt niya. At nagkataon lang din siguro nung ilalapag na ni drew ang phone ay siya namang reply ni mystery boy.
"Eh, paano kung siya nga yun" pang gugulo ng utak ko.
Ewan bahala na. Basta ang alam ko hindi si drew si mystery boy. Hindi ako maka alis kasi nakasandal si drew sa akin kaya dito na rin ako matutulog ayaw ko naman kasin gisingin siya eh.
Kathie's P.O.V
Maaga akong nagising sa sobrang lamig na aircon. Kaya lumabas nalang ako ng kwarto ko.
Paglabas ko may nakita akong natutulog sa sofa. Si naman kaya yun.
"Baka si josh at danzel lang yan" sabi ko sa utak ko.
Dahan dahan ako bumaba, baka kasi magising sila eh. Pagbaba ko lumapit ako sa kanila at biglang gumalaw ang isa sa kanila.
Paglapit ko nagulat ako dahil hindi pala si josh at danzel ito.
"Oh My??? Bakit sila dito natulog" mahina kong sabi.
Ang yari bakit dito natulog ang dalawang ito. Sabi ko sa upo sa tapat nila.
"Good morning" sigaw ni josh.
"Psssst" 😷 senyas ko kay josh baka kasi magising sina kristel at drew eh.
Bigla siya lumapit sa akin para tignan kung sino ang natutulog sa sofa.
"Bakit dito sila natulog?" Sabi ni josh, na ganun din ang reaction ko nung makita ko silang dalawa.
Biglang nagising si drew na parang nagtataka pa, kung ano ang nagyari.
Drew's P.O.V
Paggising ko nakita ko sina kathie at josh na nakatingin sa akin. Pag tingin ko sa tabi ko nakita ko si kristel na tulog pa.
"Bakit siya dito natulog??" Tanung ko sa sarili ko.
Inayos ko siya ng higa. Para maka tayo ako, kumuha ako ng kumot para hindi sila lamigin.
"Breakfast tayo" aya ko kina kathie at josh.
Tumango lang sila at pumunta na kami sa kitchen para magluto.
Pagkatapos naming magluto ay nagising na rin sina yannah, nica ta danzel. Pero si kristel tulog pa rin.
"Anong nakain nitong si drew at nagluto" pang aasar ni danzel.
"Wala lang" sagot ko.
"Btw. Guys bakit sa sala natulog si kristel?" Tanung ni yannah.
"Actually hindi lang si kristel ang natulog sa sala kundi pati si andrew" pambubuking ni kathie.
"Kaya pala maganda ang gising nitong si drew eh." Pang aasar ni nica na nahawa na ata sa boyfriend niyang si danzel.
Patapos na kaming kumain pero si kristel hindi parin gising.