''Tadhana Nga Naman''

32 0 0
                                    

''Tadhana Nga Naman'' 

Sabi nila, marami naman diyang iba

Na mas higit sa'yo na akin pang makikilala.

Bakit sa iyo pa na hindi alam kung may pag-asa ba

Itong damdamin na hanggang ngayo'y tinatago-tago pa.

Paano daw kung hindi ikaw ang kapalaran ko?

'Pagkat mundo ng pag-ibig ay sadyang mapaglaro.

Pilit na pinalaya ang aking damdamin

Na nakasentro sa iyo at mahirap alisin.

Habang nagdaraan ang mga araw

Na ika'y wala at hindi natatanaw

Marami silang nakikilala ko

Saan man ako lumingon o tumungo.

Ilang beses kitang sinubukang kalimutan

'Pagkat sabi nila puso ko'y sa iba naman buksan.

Hindi ko raw makikita aking tunay na kapalaran

Kung walang kasiguraduhang damdami'y sa'yo parin nakalaan.

Mahal ka pero hindi mo naman mahal,

Mahal mo pero hindi ka naman mahal.

Hay nako, tadhana nga naman.

Bata pa ako kaya hindi ko pa maintindihan

-JDW 

December 26, 2012 at 10:32am

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

''Tadhana Nga Naman''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon