Shit.shit.shit.
Bakit ang sakit ng ulo ko? Nasaan ako?
*tok* *tok*
"Pasok," sabi ko
"Oh Kaye mabuti naman at gising ka na, nakahanda na ang almusal mo sa baba halina't bumaba," sabi ni manang pagkalapit na pagkalapit sa'kin.
Nandito pala ako sa bahay whooo buti naman.
Ang sakit sakit talaga ng ulo ko parang binibiyak eh.
"Manang may gamot po ba tayo sa sakit ng ulo?"
"Meron, bumaba ka na at kumain ng makainom ng gamot"
"Sige po sunod na lang ako," sabi ko sabay tayo sa kama.
Nagdire-diretso naman akong c.r. Hays antok pa ko.
Teka saan nga ba ko galing kagabi? Ah oo nga pala sa bar ni tito. Inabot ako ng gabi dun ah. Akala ko konti lang maiinom ko naparami 'yan tuloy ang sakit ng ulo ko tsk.
Pag punta kong c.r napatingin agad ako sa salamin at bumungad sa'kin ang maga kong mata at ang parang sinabunutan kong buhok. Wtf.
Napapikit na lang ako. At pilit inaalala kung ano bang nangyari kagabi.
Tss.
Gay ka ba?
Babae akoooo!
Wait, ano 'yon? Ba't nag-e-echo 'yon? Sounds familiar.
Ah oo nga pala umamin nga pala ako kagabi kay Daniel na babae ak--- WHAT?
Oh gawd, i'm in trouble Q_Q
Wahhh, bakit ganon? Sana 'di ko na lang naalala 'yon. Dfq.
Paano na lang bukas kapag humarap na ko sa kanya, malamang sasabihin niya 'yon sa iba naming kasama o 'di kaya gagamitin niya 'yong pangblack mail sa'kin gosh!
Lord help me T_T
Lalo tuloy nadadagdagan sakit ng ulo ko bwiset!
Tanga mo naman kasi Kaye eh, kapag talaga nakakainom ka dire-diretso sa pag putak 'yang bibig mo huhu.
Wala na sira na plano ko! ~T_T~
---
"Oh anak, gising ka na pala. Ikaw ah? May kasalanan ka sa'kin," bungad sa'kin ni mommy.
"Ano pong kasalanan ko ma?"
"Uminom ka daw kagabi sabi sa'kin ng tito Tristan mo?"
"Ah opo ma konti lang naman hehe," sabi ko sabay upo at kuha ng fried rice.
"Konti? Eh halos maglumpasay ka na nga raw roon kung 'di ka lang nakita ng tito mo"
"Eh ma naparami po hehe sorry" sabi ko sabay subo.
"Ma sino pong naghatid sa'kin rito?""At oo nga pala, 'yon pa. Bakit ka nagpapahatid sa lalaki ha?"
"Ha? Eh ma 'di ko nga po alam kung sinong naghatid sa'kin rito eh. Tsaka lalaki?"
"Oo lalaki, classmate mo raw siya at kadorm-mate. Close ba kayo non?"
"Ah o-opo ma"
Sinabi ko na lang kay mama na close ko 'yon baka magalit pa 'yan eh.
"Eh ma bakit daw po siya yung naghatid sa'kin?"
"Eh busy ang tito mo kaya ipinahatid ka na lang niya doon sa classmate mo. Binigay niya rin doon ang address natin"
