Jolina's POV
"Sino pong hanap nyo?" Tanong ko sa matandang lalaki na bumungad sa pinto namin isang umaga. The day after my 20th birthday.
Kaya nag-iimis pa ako ng kaunti sa ilang pitasong kalat. Naghanda lang ng kauti ang mamang at nag-imbita ng ilang malapit kaanak at siyempre ilang kaibigan ko na kababata ko rin naman.
"Si Angelito Rosario Jr., nandyan ba?" He asked with a big smile.
He looks really wealthy as I scrutinized him from head to foot.
Lolo ko yun ah!
"Ay, lolo ko po yun! Sino po ba kayo? Kamag-anak niya ho ba kayo? Pinsan o dating kapitbahay?" I suddenly pouted when I realized I started to get nosy. I have lots to ask though. But I chose to keep my mouth shut already.
"Kaibigan iha. Matalik na kaibigan." He replied grinning at me.
"Gano'n po ba?" I smiled sheepishly.
"Umn, a," I thought for a moment if I would let him in. I don't know the man pero dahil obvious na mahina na ito kaya, "Pasok po kayo." Paanyaya ko sa kanya.
Mukha namang na-gets kaagad ng matanda na nagdadalawang-isip akong papasukin siya kaya tumingin muna ito sa mestisaheng babae na katabi ng nagpapayong sa kanya at sa dalawang alepores niya na naka skyblue na polo barong sa may likuran nila.
"Ako na lang ang papasok." He told the two guys behind him.
"Ikaw Alice?" Tanong nito sa mestizang babae.
Tanging iling lang ang sagot ng magandang babae.
"Puntahan ko lang po sa bukid ang lolo ha." Paalam ko.
"Lolo Lorenzo na lang iha. Iyan ang itawag mo sa akin. Pwede ba?" Malambing ang tono nito.
I nodded and beamed at lolo Lorenzo.
"Pwede naman po, lolo Lorenzo." Sabi ko at isang malaking ngiti ang sumuwang sa mga labi nito.
"KUYA!" Sigaw ko habang dinudungaw ko ang kwarto ng kuya mula sa kinatatayuan ko para magpaalam sa kapatid kong nagpapatulog ng anak niya sa kwarto.
May boses namang sumagot sa loob na 'di ko naman naintindihan ang sinabi.
"Lalabas lang ako sandali. May bisita tayo, pinapasok ko na." Halos pasigaw pa rin ang pagkakasabi ko.
With that I heard some movements inside the bedroom.
At tuluyan na 'kong lumabas ng bahay nang makita ko ang paggalaw ng kurtina. Hudyat na lalabas na si kuya.
Maysakit kasi ang dalawang taong gulang niyang anak kaya puyat sila parehas. Ang asawa niya kasi isang OFW. Factory worker sa Taiwan. Kaya ang kuya isang house husband.
"Tawagin ko lang po si tatay Anghel." Paalam ko ulit. Tumango naman ang matanda.
Tatay kasi ang gusto ng lolo ko na itawag namin sa kanya. In fairness, bukod sa malakas naman kasi ang pangangatawan nito ay talagang looking young talaga para sa edad na 72 ang lolo.
Nang masabi ko kay tatay Anghel ang pakay ko dali-dali nitong nilisan ang bukid. Halos patakbo itong umalis at tinungo ang aming munting tahanan.
"Malakas pa talaga si granpa ko for a 72-year old man." Nasambit ko habang napapailing 'kong pinagmamasdan ang mahal kong lolong halos lakad takbo sa pagmamadali.
Kaya pa nga yatang mag-compete sa marathon. Naisip ko lang, ang bilis kasi nitong kumilos.
Nasa labas palang ay napasigaw na ang lolo.
"LORENZO!" Sigaw ni lolo.
Naaninag ko naman mula sa bukas na pinto namin ang pagtayo ng bisita nang marinig ang lolo at lumabas kaagad ng bahay para salubungin ang lolo.
Bago pa makapasok ay nagpang-abot na ang dalawa sa may harap ng pinto at magiliw na nagyakap ang dalawang matanda.
Mahigpit, matagal at napaluha pa ang mga ito.
Kung babae lang ang isa sa kanila, iisipin kong dati silang magjowa.
"Ang tagal mong nawala a." Bungad ng lolo ko na hinagad na ang bisita sa loob ng bahay.
"Alam mo naman ayaw ko na bumalik sa hirap, 'erap' kaya nagsumikap muna kami ng husto ng asawa ko bago siya tuluyang namaalam. E ikaw kamusta ka na?"
Kaalyansa pala ito ng dating presidente 'Erap', natatawa kong sabi sa sarili at saka humakbang palayo para iwanan ko na ang dalawa matapos kong ipaghanda sila ng miryenda.
"Kamusta si..." di na naituloy pa ng bisita namin ang tanong.
At habang nasa pinto pa ay nilingon ko pa ang dalawa.
"Apat na taon na siyang wala, Erap." Maagap na sagot ni tatay Anghel.
Nanahimik muna ang dalawa ng ilang segundo. Halatang parehas apektado sa pagkawala ng lola ko. Kaibigan niya rin kaya ang inang?Tinapik niya si lolo sa balikat.
Sa paglabas ko ng bahay para iwan ang matatanda ay tsaka ko lang napagtantong mayaman nga ang bisita ni lolo. Maganda ang itim na mukhang luxury van pa yata ang sasakyan nito.
Nakabantay naman ang dalawang lalaking kanina lang ay naka-polo barong ngayon ay nakaputing kamiso de chino na ang mga ito. Mukhang mga bodyguard nila. Sozyal! May bodyguard!
At sa loob nito naaninag kong nagpapa-aircon ang magandang babae na nasa edad mahigit kuwarenta katabi ang alalay na kanina lang ay nagpapayong sa kaibigan ng lolo.
Napakibit balikat na lang ako. Pa'no kaya naging friend ni lolo 'yon? Mayaman kasi. At hindi lang basta friend, best friend ayon sa pagakakarinig ko kanina. Di ko lang ma-imagine kung paano, saan, at kailan sila naging magkaibigan. Ngayon ko lang kasi nakita yung matandang lalaki. E halos karamihan naman dito sa Zaragoza ay kilala ko or pamilyar sa akin ang mga mukha.
CARL'S POV
"What? NO WAY! Ayoko! Never mom! NEVER!" Galit na sagot ko sa narinig ko mula sa bibig ni mommy.
Huh! Ako? No way! I scoffed.
"There is no way you can say no to your grandpa. It's final, Carl. Alam mo naman ang lolo mo." My mom said.
I can feel she's worried at alam kong naawa din ang mommy sa 'kin pero ayoko pa rin. Although, alam ko din namang wala akong magagawa para umayaw sa gusto ni lolo pero nakakasama lang talaga ng loob that he needs to go this far.
Why do I have to do it? Why can't I just do what I want?
I really hate the whole idea. I sulked
But, is there something I can do to stop it? I doubt!
BINABASA MO ANG
One Roof
RomanceThey were young, so naive, full of life and carefree living their own lives until... Their grandpas enter the pictures and bring chaos between them. Squabbling every day and upsetting each other is the name of their game. Surrender is never a part o...