Pagkadilat ko lutang parin ako, hala alas dyis na kailangan ko ng kumilos dahil maya maya ay darating na siya. Hinanda ko na ang pagkain ng mga kapatid ko dahil papasok na sila sa eskwela, at ang gamot ni mama sa lamesa.
"Renren, san ka galing kagabi at pagkauwi mo umalis ka agad?" tanong ni mama na nagaalala.
"May pinuntahan lang ako ma, kumain na po kayo ng almusal nakautang ako kay ate martha ng sardinas. Aalis po ako ulit mamaya, hahanap ako ng trabaho."
"Renren, kung napapagod ka ako na muna ang kikilos para satin. Ayokong maging pasakit sayo." sambit ni mama na tila naluluha.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Ma, magkakatrabaho ako ulit at pagnangyari yun hindi mo na kailangan pang magtrabaho muli. Wag ka ng malungkot, kayang kaya ko to. "
--
Its 9am,"Ma'am Sierra, breakfast is ready. " katok ng maid sa kwarto ni sierra.
Kulang pa tulog ko, I'm still sleepy pero naalala kong may lakad pala kami ni Renz ngayon so I need to wake up na eventhough I'm not used to wake up early. Kakain na nga lang ako.
"Manang, where's dad? "
"Ma'am umalis ng maaga may appointment daw sa singapore. "
"Where's mom?"
"Sinundo po ng tita thesa niyo."
"Manang, I need hot water on my tub and please get my bmw ready. I'm gonna go somewhere today. Wag mo ng kontakin si Kuya Je, I can drive for myself."
"Sige po ma'am."
Okay, What's new? Sanay narin akong kumain ng magisa kada breakfast, lunch and dinner. Mas magugulat ako kung magkakasabay sabay kami sa living room na to sa pagkain. Last kain namin ng sabay sabay, 7th birthday ko. It's been 13yrs now di ka pa ba masasanay?
"Hi Goodmorning Renz, I'll be there at 3pm. okay? see you. "
"Magandang umaga Sierra, yes see you later."
ČTEŠ
Both Ends
Romance"Death comes, everything ends. " What if nagtagpo ang dalawang tao sa oras na parehas nilang gustong tapusin ang buhay nila? Is it still an end or a new beginning?