"Ano!" Gulat na gulat si Jolens short for Jolina sa narinig mula sa ina.
Gustong gusto kasi ng nanay ni Jolens si Jolina noong panahong sikat na sikat ito at ipinagbubuntis siya nito. Ewan nga ba ni Jolina kung bakit panatiko ang ina ng mga artista nang mga panahon na yon. Ipinagkikibit balikat niya na lang sa tuwing natutukso silang magkapatid dahil sa pangalan ng tambalang Marvin at Jolina.
Tawa naman ng tawa ang kuya niyang si Marvin, ang pangalan ng dating ka love team ni Jolina.
"Kuya!" Sigaw niya sa kapatid.
"Ma si kuya o nang-aasar pa!" At tuluyan na siyang napaiyak.
Nagpapadyak ito na parang bata habang umiiyak sa inis.
"Ano ba naman 'yan, ma! Nakakainis eee!" Gigil na nagpahid ito ng luha.
"Anak wala 'kong magagawa e. Ikaw ba kaya mo bang tanggihan o suwayin ang lolo mo?" Tanong ng ina nito.
Hindi ito kumibo bagkus ay tumayo ito at padabog na pumasok ng kwarto.
Sumunod naman ang ina. Naupo ito sa papag katabi ng anak.
"Alam mo Leng, kung ako ang tatanungin mo ayoko sa gustong mangyari ni tatay pero hindi naman siya magpapatinag kung susuwayin ko siya."
Tumingin lang si Jolens sa ina at saka inihilig ang ulo sa balikat nito at tahimik na umiyak.
"Anak, gusto mo bang tumakas na lang. Agahan mo na kaya ang pagpunta sa Manila." Suhestiyon nito.
"Hindi naman kasi gano'n kadali yon. Baka kayo naman ang awayin ni lolo. Isa pa makakapagtago ba kayo sa kanya tungkol sa 'kin? E alam ko namang ayaw nyo ding pasamain ang loob no'n. Ikakanta at ikakanta n'yo pa rin naman kung nasaan ako." Humihikbing sagot nito at tiningnan pa ang ina sa mga mata nito.
Napakibit balikat naman ang ina.
Lalong pumalahaw ng iyak ang dalaga.
Lumipas ang ilang linggo nasa harap na si Jolina at pamilya nito sa harap ng isang hall sa munisipyo.
Nagmamadaling binuksan ng lolo nito ang pinto at doon bumungad ang matandang lalaking bumisita sa kanila kasama ang mga dating kasama nito nang unang bumisita ito sa tahanan ng mga Rosario, ang mga bodyguard na ngayon ay mga nakasuot naman ng puting polo barong.
Pero may apat pang kasama ang matanda maliban kay Alicia na manugang nito. Dalawang dalaga na sina Farrah at Ces, pamangkin ng huli at isang lalaki.
Napatingin ito sa binata na nag-iwas ng tingin sa kanya.
Eto na siguro si Carlito Lorenzo de Legazpi. Naisip niya. Medyo nakaramdam ito ng kaba at nagsimula ng pagpawisan.
Nagbalik ng tingin ang lalaki nang maramdamang palapit sila sa kinaroroonan nila. Napatitig ang lalaki sa kanya.
Maya maya pa ay naging parang balisa ito at napapakamot sa batok.
Masayang nagkamay ang dalawang matanda at pagkatapos nagyakap ang mga ito. Ipinakilala ng dalawa ang mga miyembro ng bawat pamilya.
Nagmano si Marvin at si Jolens sa matandang Legaspi at sa manugang nitong si madam Alicia. Bumeso naman kay Jolens ang dalawang dalaga at pati na sa kanyang ina.
"At ito si Carl. Ang aking nag-iisang lalaking apo sa nag-iisa kong anak."
Tss! Yamot na huminga ng malalim ang binata at saka nagmano sa lolo at ina ng dalaga at saka kumamay sa kuya nito.
"Iho," tawag ulit ng matandang Lorenzo para kuhanin ang kanyang atensiyon.
"Si Jolina nga pala, ang mapapangasawa mo." Kinuha ng matanda ang kamay ng dalaga saka iniabot sa binata.
Kaagad nakaramdam ng pagkailang sa isa't-isa ang dalawa.
Nagbulungan naman ang mga pinsang babae at ina ni Carl.
"O kita mo naman ha, napakagandang bata ng mapapangasawa mo. Masipag, matalino at mabait pa. Ano pa ba ang hahanapin mo? Walang wala si Aub..." hindi na nito itinuloy pa ang sasabihin.
"Carlito, alalayan mo si Jolina at magsisimula na tayo." Sabi na lang nito sa apo.
Carl rolled his eyes in annoyance of his lolo. Pero maya maya lang ay napilitan din itong alalayan si Jolina sa paglalakad dahil na rin sa pangungulit ng kanyang sariling lolo.
Ikakasal sila ngayon sa huwes. Bagay na pinagdebatihan pa ng lahat dahil ang gusto ng dalawang matanda ay isang bonggang kasal sa simbahan na hindi naman sinangayunan ng kanilang mga anak at apo.
Bantulot man sina Carl at Jolina ay wala na rin silang nagawa sa kagustuhan ng kanikanilang mga lolo.
Pagkatapos ng seremonya ay nagtungo na sila sa VIP room ng isang mamahaling restaurant kung saan ginanap ang reception.
Magmula ng makarating sila doon ay naupo na lang si Jolina sa tabi ng ina at umiyak ng umiyak sa balikat nito.
Panay naman ang himas ng ina sa likod ng anak.
Pagkairita naman ang kaagad na naramdaman ni Carl sa inasta ng babaeng ngayon nga ay asawa na niya.
Tss! She's like a newly born pup!
CARL'S POV
bumungad sa pinto ng hall ang isang pamilya.
Alam ko heto na sila.
I immediately noticed a young girl. And that made my heart thumping. Maybe because i'm too nervous to get married at this very young age, to someone whose a total stranger to me.
At siguro dahil ayaw ko ps ding matali lalo na sa babaeng ngayon ko pa lang nakilala.
I hate her already!
Yes maganda siya, simple. Sobrang simple that you'll already guess she's not that typical college girl who'd crave for make-ups and the latest trend in fashion.
Naka-white body hugging dress siya kaya but even though lumutang pa rin ang kaputian nito.
Hindi ako magtataka sa kulay niya dahil maputi din ang mother nito.
Medyo naiba lang sa kuya at lolo niya na medyo kayumanggi. Baka sa mommy niya siya nagmana.
What?! Jolina ang name niya? Tapos ang kuya niya Marvin?
Baduy! Napailing na lang ako sa ka-corny-han ng mga magulang nila. I mean who'd have thought there would be parents whose a fandom of that loveteam from the 90's. Well, meron nga siguro... sila!
Malambot ang kamay niya di gaya ng inaasahan ko. Usually, maitim ang naiisip ko sa mga promdi. Matigas at magaspang ang kamay lalo na sa pagkakaalam ko tagabukid pa sila. Pero siya malayong malayo sa inaasahan ko.
She's really exceeded all my expectation for a girl who grew up in the province with a loo whose a farmer.
But, the hell I care! She's still not the girl I dreamt of spending my life with someday.
I sighed.
But is there anything I can do? We've already tied the knot.
If there is... then I would...
BINABASA MO ANG
One Roof
RomanceThey were young, so naive, full of life and carefree living their own lives until... Their grandpas enter the pictures and bring chaos between them. Squabbling every day and upsetting each other is the name of their game. Surrender is never a part o...