~ NICA ~
"Ano yung ipagtatapat mo Best?" tanong ko. "Kilala ko yung kausap ni Dustin." sabi ni Ayra. "Ha!? Yung papatay sa kanya? Sino yun? Bat ngayon mo lang sinabi?" tanong ko. "Si Ivan Kurishima." sagot ni Ayra. "At sino naman yang Hapon na yan?" tanong ko. "Naalala mo yung kwento ko sa'yo noon na may nanliligaw sa'kin na kung anu-ano na ang ginawa?" pabalik niyang tanong. "Tapos?" react ko. "Si Ivan yun. Siya yung sinabihan kong tumigil na sa panligaw sa'kin... pero... di ko nga lang sinabi dahil sa may mahal akong iba." sabi ni Ayra.
Teka so love triangle ang conflict dito?
"Teka lang Best ha, ang cheesy mo na. Ang ibig mong sabihin, yung Ivan na kausap ng babe ko... gusto niyang patayin... Ano?" tanong ko. Ay ewan naguguluhan ako pati sa pagtatanong. "I'm not trying to point out Best ha, pero sa tingin ko, si Ivan yung pumatay kay Krimson kaya malaki ang galit ni Dustin nito." sabi ni Ayra. "Well that makes sense." react ko.
"Walang hiyang Ivan na yun." sabi ni Ayra. "Teka lang, huwag ka muna magpasigurado, baka napagtripan lang si babe ni Ivan." sabi ko. "Paano naman natin ma proprove yun?" tanong niya. "There's one way to find out." sagot ko.
Nakarating kami sa isang malaking bodegang sinasabi ni Ayra na bahay ni Ivan. Dinala daw siya ni Ivan dito once noong ipapakilala sana niya ang kapatid niya. "Yung bahay niya talaga nasa taas ng bodegang toh. Ewan ko nga lang para san tong bodega." sabi ni Ayra. "Baka para sa mga papatayin niya?" tanong ko. "Hoy Bestie, hindi bagay sa'yo maging negative thinker." sabi niya.
"Tara pasok tayo." aya ni Ayra. "Huwag." sabi ko at nagtaka naman siya. "Ang sikat pa ng araw o, alam mo yung mga action scenes ng pelikula, usually gabi nangyayari." sabi ko. "So, tignan muna natin ang paligid." dagdag ko.
*beeep beeep beeep* tunog ng cellphone ko. "Ano yan Best?" tanong ni Ayra. "Ahh hehe ringtone ko, tumatawag si Mama, baka nag-aalala yun." sabi ko. "So ano, sasagutin mo?" tanong niya. "Huwag muna, nasa crime scene tayo, tetext ko nalang siya na okay lang ako." sabi ko. *beeep beeep beeep* tunog ng cellphone ko ulit. Pero di ko pa rin sinagot. Dumami ng dumami yung missed calls hangang sa nagdecide nalang akong i-mute ito.
Nagtext si Mama, "si Officer Ramon." Huh? Ano naman kinalaman ko sa ugok na officer na yun? For sure kinukulit lang ako ni Mama kasi alam niyang may crush si Ramon sa kin. Pero not a chance, may Dustin na ako.
"Nica, tignan mo, may babaeng lumabas." sabi ni Ayra habang nakatago kami sa isang punong malapit. "Parang kilala ko siya." dagdag ni Ayra. "Psssst! Psssst!" tawag ni Ayra sa babaeng naka-itim na catsuit. Agad namang napansin ng babae na may tumatawag sa kanya kaya lumingon siya ng lumingon hangang sa nakita niya kami. Nagsign si Ayra sa kanya na lapitan kami.
"Sino kayo? At bat kayo nandito?" tanong ng babaeng. "Nandiyan ba si Hubby?" tanong ko. "Ha? Anong pinasasabi mo?" taka niya. "Ahh ang ibig niyang sabihin, kilala mo ba si Ivan?" tanong ni Ayra. "Oo, kuya ko siya." sagot ni Anon. "So, ikaw si Yvonne?" tanong ulit ni Ayra. "Oo, bat mo ako kilala?" tanong ng Anon na Yvonne pala ang pangalan. "Di na yun importante. May itatanong sana kami sa'yo." sabi ni Ayra. "May ginagawa bang kalokohan yung Ivan na kuya mo?" tanong ko. "Bat niyo tinatanong?" sabi ng babae. "Kasi..." sabi ni Ayra. "Hinahanap niyo si Dustin?" tanong ng babae.
"OO!!! OO!!! OO!!!" sabi ko habang tumatalon talon pa. "Ah so you're looking for my bae. Nasa loob siya nakatali." sabi ni Yvonne.
ANOOOOOOO!!!?? BAEEEE!?
At gumuho ang mundo ko.
Gusto ko sanang magreact at sumigaw kaso tinatakpan ni Ayra ang bunganga ko. "Oo, si Dustin. Anong ginagawa niya sa loob?" tanong ni Ayra habang tinatakpan pa rin ang bunganga ko. "None of your business." sagot ng babae. AY NAKO GUSTO KO NA TALAGA SIYANG SABUNUTAN. "Sige na please, nag-aalala na kasi kami sa kaibigan namin, baka kasi anong gawin ng kuya mo sa kanya." paki-usap ni Ayra. "Not gonna do that. Kung ako sa inyo, umuwi na kayo kung di, isusumbong ko kayong dalawa." sagot ng masamang tao. "Sige na please." paki-usap ulit ni Ayra. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil tinatakpan niya pa rin ang bibig ko. "Alis na. Mabuti na nga lang at mabait ako at di ko kayo isusumbong. Alis na." utos ng napakasamang babae. Sa tingin niya mabait pa siya sa style na yon? Ugh nakakainis.
"Tara Best, uwi nalang tayo sa inyo." sabi ni Ayra. Di ako makapagsalita, binitbit niya ako palayo.
"Best naman eh, pano na ako? Baka kinasal si Dustin sa loob?" sabi ko. "OA mo!" sabi ni Ayra. "Kailangan nating makapasok without anyone's help." dagdag niya. "Kung gusto mo nga pumasok na tayo ngayon eh." sabi ko. "Huwag umuwi muna tayo, magplano muna tayo sa gagawin natin.
Sa pag-uwi namin sa bahay, nagulantang kami sa sinabi ni Mama,
"Si Officer Ramon!!!"
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...