The Heiress - Chapter 18 (Pagbubunyag)

189 10 2
                                    

Hindi talaga inaasahan ni Richard ang pagdating at sa sinabi ni Jeff sa kanyang opisina. Ang Teng Prime Holdings daw ang nakikita nitong may potensyal sa pag-invest niya ng kanyang pera at negosyo sa Pilipinas.

"Totoo ba ang narinig ko mula sa'yo, Mr. Hidalgo?"

"Yup. Totoong-totoo" sagot ni Jeff "Ang kumpanya mo ang pinili ko"

"What? E bakit ang kumpanya ko ang pinili mo?"

"Well, sa totoo lang ay wala naman akong pagpipilian, Mr. Teng" sagot ni Jeff "Bukod sa'yo at sa Dy Group, wala naman akong nakikita na mas deserving na kumpanya para ipapatupad ang investment ko dito"

"Bakit hind ka pa pumayag noon na isang kumpanya pa lang kami noon ng asawa ko?"

"Actually, may plano na ako noon na mag-invest sa inyo pero nag-iba ang desisyon dahil doon sa nangyari" paliwanag ni Jeff "Parang nainsulto at nabastos ako sa ginawa niya. That's why I chose you, Mr. Teng. Alam ko na magiging matagumpay ang pag-iinvest ko dito dahil sa leadership skills mo. Hindi tulad ng asawa mo"

Napagtanto na ni Richard na totoo na nga ang mga sinasabi sa kanyang harapan at hindi na ito nagbibiro. Napangiti ito at nabuhay ang kanyang mukha sa kaninang tulala "Well, you made a great choice, Mr. Hidalgo. Hindi ka talaga magsisisi sa desisyon mong yan"

"I know"

"So, kelan ang signing of contract natin Mr. Hidalgo? Kailangan na nating i-schedule yan"

"Bukas. Dito na lang sa opisina mo"

"Bukas agad?" sambit ni Richard na parang nagulat ulit "Bakit ang bilis?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"No. No. No. Gusto ko siyempre. Pero nagulat lang ako. Biglaan kasi"

"Binibilisan ko lang kasi baka malaman ng asawa mo ito at pipigilin niya pa" paliwanag ni Jeff sa kanya "Diba ayaw mong mangyari yon?"

"Ayaw siyempre"

"Sige. See you tomorrow, Mr. Teng" sabay tayo ni Jeff sa upuan "I'm looking forward to our future partnership" pagkamay niya kay Richard

"Ako din, Mr. Hidalgo" sagot naman niya "Sabik na sabik na akong ipatupad ang mga proyekto mo dito sa Pilipinas"

"Sana nga" ngiti ni Jeff

"Maaasahan mo yan, Mr. Hidalgo"

***

Samantala.

Nakita ni Sara si Stephen na nakaupo sa isang bench sa loob ng kanilang campus. Gusto niya itong kausapin dahil sa nangyari noong isang araw, na kung bakit hindi niya pinansin si Sky kahit nakita niya na ito.

Kaagad siya nagtungo doon at umupo sa tabi ng binata.

"Hello Steph" bati ni Sara sa kanya. Napatingin na lamang siya at hindi pinansin ang umupo sa kanyang tabi "Uy... bakit hindi ka namamansin ha? Kahit yung kaibigan ko ay hindi mo pinansin. Sige ka, magtatampo yun sa'yo"

"Ayaw ko lang" sagot nito

"Bakit naman?"

"Basta"

Nahalata ni Sara na may nararamdaman ang binata at parang meron itpng tinatago. "Steph, may problema ka ba?"

"Wala" tipid na sagot niya

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon