CHAPTER 3

37 7 0
                                    

Pagkatapos ng kasal ng dalawa nagkanya kanya na ng tahanang inuwian ang bagong kasal na tinutulan naman ng dalawang matanda kaya napilitan sila- ang mga mommies at ang newly weds na ilihim sa mga grandpas ang pagtira ng dalawa sa magkaibang tahanan sa magkaibang lugar pagdating ng pasukan.

Si Carl ay may sariling condominium unit malapit sa Ateneo de Manila University kung saan siya nag-aaral, samantalang si Jolina ay nagrerenta sa isang boarding house malapit sa UP, ang unibersidad naman na pinapasukan nito.

Ang batch ni Jolina ang huling mga estudyante kung saan hindi pa naipapatupad ang senior high school. Kung kaya't nakapag-college na ito kaagad.

Paluwas nang muli ang huli para sa pagsisimula ng first semester.

Malungkot itong nag-iimpake ng mga gamit habang nakamasid ang ina sa tabi nito.

JOLINA'S POV

"Anak tawagan mo kami palagi. Gano'n din kami sa 'yo." Malungkot na paalala ni mama.

"Para naman akong mag-o-overseas, ma. Quezon City lang naman ang destinasyon ko at saka para namang first time ko 'to, fourth year na ko sa pasukan, ma, ngayon ka pa nalungkot."

Kailangan kong alisin ang malungkot na ambiance sa bahay para di kami mag-iyakan.

Sa totoo lang sa halos apat na taon kong pag-aaral sa Maynila ngayon lang ako nakaranas ng matinding lungkot sa pagluwas ko. May kung anong bigat na nakadagan sa dibdib ko ngayon.

"Siyempre kasi may asawa ka na." Malungkot ang boses ng mama.

"Anak wala munang baby ha." Pahabol niya na nagpamulagat sa mga mata ko.

"MA!" napasigaw na 'ko para sawayin si mama.

Kindat lang ang isinagot ni mama. Na-gets ko naman agad ang mensahe niya kaya nanahimik na lang ako.

Bukas ang pinto ng silid ko kaya malamang nasa paligid lang si lolo.

Paluwas din ang lolo niyayakag nga niya ako na sumabay sa kanya kaso ngayon na siya aalis hinihintay niya lang ang driver ni lolo Lorenzo. May pag-uusapan daw sila. Ano naman kaya 'yun?

Hindi na ako sumabay gawa ng gusto ko pang i-spend ang konting oras ko kina kuya at mama at sa cute na cute kong pamangkin na si Kate.

Kaya bukas pa ng hapon ko balak bumalik sa inuupahan kong boarding house... hindi sa condominium unit ng asawa ko kuno.

'Yun kasi ang unang plano dahil yun ang gusto ng mga lolos sa pagkakaintindi ko according to what my mama told me pero hindi naman pumayag ang mga mothers.

Hay! Mabuti na lang!

Hay naku ang gulo! Pero si mama ang susundin ko dahil una, 'di ko kaya tumira sa iisang bubong kasama ang asa.. si Carl.

At pangalawa, alam ko siya din man ay hindi sasang-ayon na magsama kami.

Katulad ng dati, si kuya ang naghatid sa 'kin sa Terminal. Malungkot niya 'kong niyakap.

"Leng, sumbong mo sa 'kin 'pag sinaktan ka ng Carlito Lorenzo na 'yon ha! Lagot sa 'kin 'yon!" Napayakap ako ng mahigpit kay kuya.

Malakas lang mang-asar 'to e pero alam ko namang mahal talaga 'ko nito.

"Nakita mo itong 'maskels' ko?" Sabi niya habang pini-flex kuno ang chubby niyang braso.

"Iuumpog ko siya rito hanggang sa mawalan siya ng malay! Walang pwedeng manakit sa bunso namin!" Sabi niya habang inia-aksyon pa kung pa'no niyang iuumpog ang ulo ni Carl sa muscles niya.

Napapangiti na lang ako sa kuya ko. Niyakap ko siya ulit.

"Asus! Kuya, ako pa ba ang masasaktan no'n! Manginig muna siya sa takot sa 'kin, kamo!" Sabi ko dito nang maghiwalay kami sabay tapik sa balikat niya.

Malungkot ako sa totoo lang ito kasi ang semestre na babalik ako sa unibersidad na hindi na ako single.

Plano ko pa naman na sanang sagutin si Sean.

Halos dalawang taon na siyang nanliligaw sa 'kin kaya lang, I promise my mama that I will only enter into a relationship when I finished my studies.

Pero before I even turned twenty kinausap ko si mama if I can have a boyfriend. Naikwento ko na rin ng pahapyaw na meron akong nagugustuhan.

Pumayag naman siya. Of course with the condition that I will not take my studies for granted.

Ngayon na sana 'yon. Malungkot na inalala ko ang conversation namin ni mama.

Pero paano na? I don't only get a boyfriend, I already have a husband.

Instant WIFE NA SI AKO!!! WAAAH! Sigaw ng utak ko.

Napaiyak tuloy ako habang naiisip ko yung nangyari nitong mga nakaraang huling linggo.

Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng bus habang umiiyak, at nag-iisip.

Anong sasabihin ko kay Sean? May pag-asa pa kayang maging kami kung ganitong may asawa na ko?

"Siyempre wala! Kasal ka na kaya! G*ga ka!" Bigla kong nausal.

Napatingin tuloy sa akin ang katabi ko sa upuan.

Napakanta na lang ako ng di oras. Para lang di maisip ng katabi ko na sira na ang ulo ko, o kaya nalipasan ako ng gutom kaya nagsasalita na 'ko mag-isa.

Pero sa totoo lang gustong gusto ko ng sumigaw sa sama ng loob at sa sakit na nararamdaman ko at... sa sobrang lungkot.

One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon