2025
-8:30-
"Hi guys!!"
"Oh ayan na pala si jewel" sabi ni roxanne, di ko nakilala si jewel tumaba kasi siya.
"Tumaba ka ata jewel" gelo
"Malamang dalawa na anak ko" sagot naman ni jewel
"Magaling mag-alaga si mister" natatawang sabi ni gelo
"Ehem kala ko nga hindi na sila magkakatuluyan ni"
opx malalaman niyo din kung sino ang napangasawa ni jewel
2015
Malapit na pala ang long test namin pero hindi man lang ako nag-rereview ano na kaya magiging grades ko nito hayssss? Sisimulan ko na pagrereview bukas! Tama bukas na lang siguro. Napakatamad mo talaga self nawala bigla ang iniisip ko nang may biglang kumatok
"Hi im back!" nagulat ako teka bat nandito si kuya? oo tama kayo sa narinig may kuya ako, si kuya DF short for Danielle Finn, kaloka bat kaya nandito to?
"Bakit nandito ka kuya? Kala ko ba 6 months ka pa sa Cebu?"
"Bunso ayaw mo nun napaaga ako ng uwi kaya matagal tayo magkakasama?"
"Pero bakit ka nga nandito kuya?" tanong ko ulit
"May kailangan lang akong ayusin bunso, tapos magkakasama na ulit tayo nila mama kasi konting panahon na lang end na ng contract ko sa cebu"
"Ahh kuya pwede na ba ko bumalik sa Cebu? " tumingin siya sakin at tumawa ng malakas hmmm may sira na ata ang ulo ng kuya ko eh
"Alam mo naman ang sagot diyan bunso. Nag-aaral ka dito at di ka papayagan ni mama" oo na suko na ko alam ko naman di na papayag si mama, akmang aalis na si kuya ng bumalik ulit ito. .
"Nga pala bunso pinapababa ka pala ni mama may bisita ka raw" may inaasahan ba kong bisita ngayon? sa pagkakaalam ko wala.
"Ahh sige kuya bibihis lang ako tapos bababa na po"
.
.
.
.
."Goodmorning sainyo! " magiliw kong bati sakanila
"Anak may bisita ka, ayun siya oh" sabay turo sa babaeng nakaupo sa sala
"Ahh si jewel pala. Teka lang mama ah" iniwan ko muna sila at pumunta kay jewel
"Uy jewel naparito ka ata? " tiningnan niya ko at ngumiti.
"Hi fret! Binisita kita kasi wala naman akong ginagawa sa bahay tsaka yayayain din sana kita mag bowling kung pwede ka?"
"Ahh ganun ba? Sige papaalam ako kay mama, teka si roxanne ba asan?"
"Aalis sila ngayon kaya hindi siya pwede"
"Ahh ganun ba. Pero mamaya na yan sa ngayon kain ka muna dahil nag-luto si mama, hintay ka lang diyan ah" nag handa na kami ni mama para sabay-sabay na kaming kumain, nag paalam na rin ako kay mama at pinayagan naman nya ako.
"Ma at kuya si jewel po pala classmate ko po sa bago kong school . Jewel si mama at kuya"
"Hi jewel! I'm DF kuya ni daniella"
"Kuya ayoko nga ng daniella itatawag sakin diba? Mas sanay sila sa fret"
"Hay nako yan ka na naman. Ang ganda ganda nga ng daniella eh"
Ngumiti ng bahagya si jewel.
"Masaya akong nakilala kita jewel at naging kaibigan ka ng anak ko" sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Fall (On-going)
JugendliteraturMali ba yung pinasok ko? Mas maganda ba talagang nanahimik na lang ako? Pero kilala ko sarili ko ayoko ng nananahimik lang. Pero paano kung isang katulad ni Zeym Cristoffer Del mundo ang makabangga ko? Mas gugustuhin ko pa bang lumaban o manahimik n...