2025
-8:45-
"O ayan na pala si cristoff" gelo
"Late na ba ko guys haha sorry sobrang traffic kasi" cristoff
"Okay lang yun marami pang wala di ko nga alam kung yung iba makakarating pa" roxanne
"Oo nga no ang konti lang natin, samantalang dalawang section tayo pero mabibilang mo lang mga pumunta ngayon" sophie
"Yung iba kasi hindi makaalis sa work nila, yung iba naman mema reason na lang" raffy
"Hayaan niyo na sila basta ang mahalaga magkakasama tayo ngayon" sabi ko naman
"Maiba ko laki na ren ng pinagbago ng kaibigan(cristoff) namin ah" gelo
"Iba rin talaga pag sa italy galing haha" sabi ni raffy na may pag takip pa kay cristoff. Nagtungo pala siya ng italy.
"Oo nga tingnan mo naman tong galing canada lalong gumanda" tinuro ako ni gelo haha lakas talaga
"Si fret ba yan?" tanong ni cristoff. Nagkatinginan kami.
"Oo hindi mo nakilala no?" Keiser
Katahimikan....
"Mukhang move on na talaga silang dalawa nakakaya na nilang magtitigan" pang-aasar pa ni rafry
"Oo naman syempre matagal na yun eh" sabi ko naman
Sa pagkakataong yun umiwas na ko ng tingin.
2015
Wala ko magawa sa bahay kaya naisipan kong mag bike. Sa totoo lang ayaw na ayaw ng kuya ko na nagbabike ako kasi daw nung bata pa ko muntik na ko masagasaan hmm ang OA talaga ng kuya ko haha, bata pa ko nun eh iba ngayon sa noon pero dahil sa wala siya ngayon walang makapipigil sakin.
Kung anu-ano naiisip ko kaya di ko na napansin na may nakaharang sa dinadaanan ko na isang lalaki, nakatalikod siya kaya di niya ko napansin. AHHHHHHH sa sobrang taranta di ko na alam ang gagawin ko omg makakabangga ako hindi pwedeeeeee AHHHHHHHHHHHHH !
"AHHHHHHHHHHHHHHHH tabiiii! " kakaiwas ko sakanya tumama ako sa puno, aaaaaaray ha! Naipit yung paa ko mamaaaaa papaaaa kuyaaaaa!
"Miss are you okay? " nakikita niya naman sigurong di ako okay. Magtatanong pa siya tsk pasalamat siyang naipit paa ko kundi na sikmura ko na siya kakagigil. Itinayo niya yung bike ko at isinandal ng bahagya sa puno.
"Ahhhhh a-aray ano ba? Magdahandahan ka naman" pilit niyang tinatanggal yung paa ko mula sa pagkakaipit sa gilid ng puno. Pero swear ang sakit! huhuhu mamaaaaa, kuyaaaaa papaaaa help!!
"T-teka! Teka lang masakit nga kasi! Dahan dahan nga kasi ano ba to? Babatukan kita eh! Kasalanan mo nga to!" ang sakit talag huhu maraming dugo na ang nalabas hindi ko na ata kakayanin to masakit na sobra!!
"Teka bakit ako? Ikaw nga tong may kasalanan kasi muntik mo na akong mabangga! "
"Ako pa may kasalanan? ikaw nga tong haharang-harang sa daan na kala mo pagmamay-ari mo daan! Pasalamat ka nga kundi kita iniwasan edi sana nabunggo kana! Tapos ngayon ako pa may kasalanan ha!" this time tumingin ako sakanya sa sobrang inis ko -_- Te-teka diba siya yung. .s-siya yung lalaki sa stock room? Yung mayabang na kala mo kung sino tsk aba'y minamalas nga naman ako oh kaharap ko na naman ang mayabang na to dapat pala binunggo ko na to eh ng natuluyan na tskkk at yung mga sumunod na nangyari di ko na alam hilong-hilo na ko.
Zeym Cristoffer Del mundo. Mabait. Gentleman. Masunurin. Magalang pweee! Pero syempre joke lang kabaliktaran niya lahat ng yan. President of Music Club. Mayaman. Moreno. Matangkad. Imagine niyo na lang kung ano itsurahan niya wews
BINABASA MO ANG
Fall (On-going)
Teen FictionMali ba yung pinasok ko? Mas maganda ba talagang nanahimik na lang ako? Pero kilala ko sarili ko ayoko ng nananahimik lang. Pero paano kung isang katulad ni Zeym Cristoffer Del mundo ang makabangga ko? Mas gugustuhin ko pa bang lumaban o manahimik n...