(4) Matapang at Mayabang

14 2 0
                                    


2025

"Nakakatawa talaga yung sagutan nila ni fret grabe yung mukha non ni cristoff haha" pang-aasar ni raffy

"Oo nga no grabe naalala mo pa pala yon" gelo

"Napaka yabang kasi ng kaibigan niyo" natatawang sabi ko

"Hindi naman ako mayabang non ah sadyabg pikon ka lang talaga" cristoff

"Nakakahiya lang talaga sa kayabang mo noon" pang-aasar ko sakanya

"Nako ang sabihin niyong dalawa nagtagpo ang mayabang at matapang haha" gelo

Nagtawanan kaming lahat.

2015

"Stop!" naglalakad na ko papunta sa gym ng marinig ko ang sigaw ni sophie

"Alam mo jewel magaling ka naman sana kaso nga lang wala sayo yung hinahanap namin kaya pasensya na. Okay next?" nanatiling nakatayo si jewel sa gitna alam ko nararamdaman ng kaibigan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya pumunta na ko sa gitna.

"Pwede ko bang malaman kung anong kulang sa kaibigan ko?" sabi ko habang nakatingin sa kanila

"Excuse me? Sinabi ko ng hindi siya pasok sa team ACC so bakit mo pa tinatanong maliwanag naman ang sinabi ko"

"Ikaw na rin ang nag sabi magaling siya pero may kulang sakanya so ano nga yung kulang sakanya?" hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakanya

"Fret tara na? Hayaan na natin siy---" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni jewel dahil bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Hindi mo siguro naiintindihan no? Masyado bang malabo ang pagkakasabi ko o sadyang bingi ka lang" pinaningkitan niya ko ng mata hindi naman ako nagpadala sa tingin niya kaya mas tinitigan ko siya.

"Ikaw... di mo rin ba ko naintindihan. Tsaka hindi ako bingi narinig ko nga kung paano mo sabihin sakanya na magaling siya" sinabi ko yun habang nakatingin pa rin sakanya. Napatayo siya sa sinabi ko.

"Ang lakas din ng loob mo para sagutin ako"

"Sinasabi ko lang ang totoo para naman kasi ipaintindi sayo na hindi sa lahat ng pagkakataon tama ka. Tss hindi ko pinipilit na isali mo ang kaibigan ko sa team mo ang akin lang kung ano ang sinabi mo panindigan mo" pagkasabi ko nun. Hinila ko na paalis si jewel.

-CRISTOFF-

Sumasakit talaga ulo ko pag naaalala ko kung paano ako sagut-sagutin ng babaeng yun kahapon! Kung iba nga nagmamakaawa na pansinin ko sila tapos siya parang wala lang sakanya Grr! nakakainis

"Bro lalim ng iniisip mo ah tungkol ba yan dun sa girl kahapon hahahaha malala na yan brooooo" pang-aasar sakin ni gelo

"Tss ba't ko naman yun iisipin wala kung pakialam don. Kung ayaw niya edi wag. Madali lang akong kausap "

"Di mo na lang kasi aminin na kakaiba siya bro haha wala pang nakakagawa nun sayo! Siya pa lang bro siya pa lang haha lahat kasi ng babae halos sambahin ka na hahahaha tapos ginaganon ka lang niya" dag-dag pa ni raffy kaya mas lalong na sakit ulo ko eh pinagkakaisahan pa ako ng dalawang tukmol na to

"Magtigil nga kayong dalawa dyan. Wala akong pakialam sa babaeng yun!
Makakabawi din ako! Hintayin niya lang. Kaya kayo magtigil dyan" naiinis kung sabi sakanila

"Ang ganda niyo kaya panoorin kahapon brooo haha sagutan to the max kayo eh di ko lang kasi nakuhaan ng video sayang hahaha"

Fall (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon