(5) Tulo laway

15 2 0
                                    

2025

"Cr lang ako guys" paalam ko sakanila

Paglabas ko ng cr nagulat ako dahil nandon si cristoff. Dederetso na sana ako nang bigla siyang magsalita dahilan para mahinto ako.

"Long time no see fret"

"Cristoffff andyan ka pala" kunware di ko siya nakita

"Pumunta ka pala ng Canada"

"Oo, ikaw pala pumunta din ng italy.  Naalala ko noon ayaw na ayaw mong sumunod sa ate mo sa italy pero tumuloy ka pa rin pala"

"Bumalik na lang ako dito kasi magpapakasal na kami ng babaeng pinaka mamahal ko"

Natigil sa pag sasalita si cristoff ng dumating si gelo.

"Guys dumating na sila vanessa pati yung ibang team acc gaganda pa rin nila lalo na si vanessa"

2015

"Fret sabay ka na sakin" sabi ni jewel

"Ahh hindi na jewel salamat na lang. Parating na din naman yun si kuya"

"Eh mag didilim na sigurado ka ba di ka sasabay?"

"Oo okay lang ako sige na"

"Sige igat ka ah see you tomorrow"

"Sige jewel ingat ka rin byeeee"

Umalis na si jewel. Naghintay pa ko hanggang sa ako na lang ang estudyante sa school. Asan na kaya si kuya? Nakalimutan siguro na susunduin niya ko.

Maya-maya may nag text.

From: Kuya kong pogi

Bunso pasensya na hindi kita masusundo bumalik kasi ako sa laguna para ayusin yung kulang na order ng cupcakes, eh hindi pa ko pwedeng umuwi. Sorry talaga. Sumabay ka na lang muna kay jewel para di ka na mahirapan. Ingat :-)

To: Kuya kong gwapo

Sige po kuya. Ingat ka rin po:-)

Wala na si jewel ayokong sabihin kay kuya baka mag alala lang yun ng sobra. Kaya mag ko-commute na lang ako. Nag-simula na akong mag lakad tutal medyo malapit na rin naman ang sakayan dito.

Hindi ko na talaga alam kung ano ibig sabihin ni sophie hays bakit ko ba yun iniisip ? Hays fret isipin mo yung kaibigan mo wag mong isipin yung sinabi ng babaeng yun ano ka ba.  Erase erase erase.. Nagulat ako ng may biglang humintong sasakyan sa tapat ko. Waaaaaah tulong mahirap makatakbo huhuhu

"Sakay" sino pa ba? Edi ang bida bida na si cristoff tsk. Tapos tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad

"Sabi ko sakay!" inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad

"Hoy sabi ko sakay. Ano ba to?! Bingi ka ba?"

"At bakit ako sasakay dyan close ba tayo ha? Mamaya kung ano pang gawin mo sakin dyan"

"Ano bang problema mo ha? Pag sinabi kong sakay, sakay at wag kang mag assume na may gagawin ako sayo"

"Pwede ba tigilan mo nga ko! Umalis ka na lang tss!"

"Kulit mo talagang babae ka. Sige ka may mga adik pa naman na gumagala-gala dito pag gabi na at lalong target nila ang mag-isa lang, nga pala may na tagpuan pang labi ng isang babae dyan sa may tulay at sabi na rape daw. Mag-isa daw kasing umuwi.  Kawawa naman yung babae na yun"

"Tinatakot mo ba ko ha?"

"Hindi no. Nagsasabi lang ako ng totoo.  Nagsasabi lang ako ng nabalitaan ko hindi kita tinatakot"

Fall (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon