Rain's POV
"Tange! Nauna ang manok sa itlog" sabi ko kay Drake.
"Nauna ang itlog, Rain!" depensa pa niya. Aba! Ang kulit naman nito. Sinabi na ngang nauna ang manok sa itlog eh!
"Sisipain na kita, dyan. Nauna nga sabi ang manok eh! Sinong magluluwal ng itlog kung wala yung manok?"
"Eh saan naman manggagaling yung manok na sinasabi mo?" sabat niya pa.
"Edi sa itlo--Hindi nga sabi eh! Basta bigla na lang lumitaw yung manok tapos nangitlog siya"
Nandito pa rin kami sa open court, pumipila para sa enlistment ng Youth Summit. Yehey! Makakapaglakwatsa ako sa loob ng 4 na araw. Annually ginaganap 'tong summit pero ngayon lang ako sumama. Ewan ko kung annually ba talaga 'to ginagawa, wala akong matandaan. Pero anyways, kasama na ako ngayon.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Medyo napapalakas kasi yung boses ko. Ang kulit kasi nitong si Drake eh. Ayaw maniwala na itlog naman talaga ang nauna. Itlog naman diba? Diba? Diba?
"Okay sige, itlog na" sabi niya habang natatawa.
"Buti naman at naliwanagan ka na! Ang kulit ng kokote mo, sinabi na nga--"
"Rain, ikaw na ang susunod" biglang sabi ni Denise kaya hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Hmp! Bigla bigla na lang 'to sumusulpot si Denise. Hindi pa nga ako tapos magbigay ng aral kay Drake eh.
Lumapit na ako sa table tapos isinulat ang pangalan ko. Kung 10 representatives bawat course, kasama kaya si Ethan? I mean isa siya sa pinakakilala sa course nila kaya sigurado kasama siya. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Magsosorry ba ako? Bakit? Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa ah! Sinabi ko lang naman yung totoo!
Umalis na ako sa pila pagkatapos kong magsulat at pumunta na sa ilalim ng puno sa kabilang banda habang hinihintay si Drake at yung iba naming kaklase na mag-enlist.
Nang makapwesto na ako, nakita ko si Harry ni papalapit sa akin. Naaalala niyo pa ba siya? Siya yung kaklase ni Ethan.
"Uy, Rain!" tawag sa akin ni Harry.
"Oh hi!" bati ko sa kanya at ngumiti ng matipid.
"Sasama ka?" tanong niya.
"Oo, ikaw ba?"
"Sasama din," Napatango na lang ako sa sinabi niya. Itanong ko kaya kung sasama din ba si Ethan? Wag na, hayaan mo siya. "Atsaka si Ethan" pahabol ni Harry.
Okay, nasagot na ang tanong ko.
"Ahh, ganun ba?"
"Bakit? May problema ba?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...