MY GREATEST DOWNFALL

145 1 0
                                    

MY GREATEST DOWNFALL (ONE SHOT)

Jane's POV

Siya si Andrei. Ilang taon na rin siyang nanliligaw sa akin. Hindi ko pa rin siya sinasagot sa kadahilanan na takot ako sa tito ko. Pinagkatiwalaan kasi ni tito ang dating kong boyfriend kaso sinaktan lang ako. dahil sa sobrang nasaktan ako hindi na nila ako pinayagan pang magkaroon ng boyfriend. Nakilala ko si Andrei sa isang classmate ko. Binigay ng classmate ko ang number niya at ayun nagtxt txt kami. Halos araw-araw nagkakausap kami kaso sa txt nga lang. Siya na ang nagloload sa akin paminsan minsan. Hanggang sa narealize niya yata na nainlove na siya sa akin. Hindi pa kami pero kung umarte kami parang kami. Minsan nga nag aaway kami dahil nagseselos ako ay siya na rin naman. Ang love story namin ay paranng aso at pusa kasi parang halos araw araw ay nag-aaway kami pero hindi matatapos ang araw na yun na hindi kami magkakabati. Naging kaibigan na rin siya ng mga kaibigan ko. Tanggap naman nila si Andrei.

"bes, bakit hindi mo pa sinasagot si Andrei??" tanong ng bestfriend kong si Rona. Si Rona ang pinakamadrama sa kaibigan ko. Siya ang minsan kong tinatakbohan kapag nagkakaroon ako ng problema. Siya yung bestfriend/adviser ko sa pag-ibig. Minsan si Rona ang tinatakbohan ni Andrei kapag may family issues siya at 'pag may problema kami. Kumbaga si Rona ang pwede mong paglabasan ng mga problema. Papakinggan ka lang niya at bibigyan ka ng advice kaya maganda siyang lapitan. Siya rin ang kaibigan na napakamabait kaya minsan inaabuso na siya ng ibang kaklase naming. Minsan nga naawa na ako sa kanya kasi siya ang madalas na pinagtritripan ni Mary. Hindi siya madaling mapikon, mahaba ang pasensya at hindi rin siya nagagalit. Umiiyak lang siya kapag sobrang inaapi na siya.

"alam mo naman kung bakit" nakangiti kong sabi.

"sauce. Sila na yan, hindi lang nila sinasabi" sabi ni Mary. Ang ganda ng pangalan niya parang mabait pero kabaliktaran ng pangalan niya ang ugali niya. Siya ang nananakit palagi sa akin. Sadista siya kaya kapag napagtripan ka niya naku kawawa ka. Magkakasugat sugat ka sa braso dahil sa kurot niya. Gulo gulo ang buhok mo dahil sa sabunot niya. Magkakapilay ka dahil sa suntok niya. Ano??Gusto niyo pa bang makipagkaibigan sa kanya? Pero kahit ganyan siya naging magkaibigan rin kami. Mabait naman siya kapag nakainom nga lang ng gamot. Hindi mo siya malalapitan kapag may problema. Alam mo yung umiiyak ka na sa harap niya,tumatawa pa siya. Tapos puro nega pa ang sinasabi. Bitter na ewan palibhasa walang lablayp.

"sasabihin ko naman agad sa inyo kapag kami na eh" sabi ko.

"mukha niyo!! Naga I love you-han na nga kayo sa isa't isa tas hindi pa kayo?? Ano 'to lokohan" sabi ni Mary sabay hampas sa braso ko. Feeling ko magkakapasa ako T˄T. Nakita kasi nila ang cellphone ko tas pinakailaman nila ang inbox. Eh meron pa namang message dun si Andrei na 'I love you'. Minsan kasi naga I love you-han na kami kahit hindi kami. Ewan ko kinikilig kasi ako kapag tinetext niya yun sa akin. >///< . Hindi na lang ako sumagot kay Mary.

FROM: Andrei

Hello.... I miss you babe....J

TO: ANDREI

Miss you too :*

Nagkaroon na rin kami ng endearment kahit hindi pa kami. Minsan kasi loko loko lang namin ang pagtawag ng kung anu ano kaya nasanay na rin kami. Lahat nga ata ng endearment nagamit na namin pero ang 'babe' lang talaga ang tumagal. Nang dumating na ang teacher naming. Itinago ko na ang phone ko at umayos na rin kami ng upo. Nagdiscuss lang ang teacher namin pagkatapos nun uwian na.

"tara Jane, tambay tayo" aya ni Rona. Palagi kami nakatambay kila Rona. Nanonood kami ng mga movies kaya minsan ginagabi na kami ng uwi. Minsan ang pagtambay ko kila Rona ay pinagaawayan naming kaya umiiwas muna ako sa mga maaring dahilan ng pag aaway naming.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY GREATEST DOWNFALL (ONE SHOT)Where stories live. Discover now