First Chapter

26 2 0
                                    

[1] Mr. Singit

Kathryn.

"Ate Nads!" Tawag ko.

Hindi siya sumagot. Don't tell me busy siya?

"Ate Nadineeeee!"

"OH KATH?! ANONG NANGYARI?"

O__________O

Ganan itsura niya HAHAHAHA. Si ate talaga nakakatawa ang mga reaksyon!

"Wala ate. Kanina pa kita tinatawag, ano bang ginagawa mo dyan?" Sabi ko sabay taas baba ng kilay. Nang-aasar lang. Haha.

"Nuba kath kala ko naman kung ano." Angal niya.

"Ate natawag na kasi si mama. Kakain na daw." Sabi ko at nauna na pumunta sa kusina.

Ako nga pala si Kathryn Bernardo. Si Ate Nadine naman, ate ko obviously. Pero hindi kami magkapatid sa ama. Kaya di kami pareho ng surname. Nadine Lustre siya. Pero super close kami niyan. Oy wag kayong ano ha? Baka pinagiisipan niyo na ng masama ang mama ko. Ganito kasi yan..

Si mama at yung tatay ni ate nadine, magboyfriend-girlfriend. Yun nga nauna yung honeymoon hehe. Kaya ayun nabuo na agad si ate. Mahal na mahal nila ang isa't isa pero dahil nag-aaral palang sila non, tutol ang mga magulang ng tatay ni ate nadine. Kaya ayun, pinaghihiwalay sina pero wala eh. Mahal nila ang isa't isa kaya nga nagdesisyon sila magpakalayo layo. Magkasama sila, madaling araw noon noong bumabyahe sila. Tapos boom! Naaksidente sila. Namatay si tito. Buti nga ligtas si mama. Si ate? Ayun nabagok ka medyo may sira sa ulo. Dejoke lang.

Yun. Si papa naman. Bff ni mama. Eh may gusto na pala si papa noon kay mama kahit si mama at si tito palang (tatay ni ate nadine). Kaya pinanagutan ni papa si mama. Noong una ay ayaw ni mama kasi hindi naman daw niya mahal si papa. Tsaka nahihiya siya dahil may anak siya dinadala na hindi naman anak ni papa. Pero wala eh. Pagmamahal nga naman. Hayyyy. Pero kahit ganun, close close pa din kami ni Ate hehehe.

Madly Inlove With You [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon