Dream

26 0 0
                                    

Ako si Dream. Isang simpleng babae na tulad ng pangalan ko, ay maraming pangarap sa buhay. Pangarap para sa pamilya ko, at lalong lalo na para sa akin. Naniniwala akong kaya kong maabot ang mga pangarap na to, basta ba't pagsisikapan ko lang ngunit may isa akong pangarap na kahit pa bali-baliktarin ko ang mundo, ay hindi ko makukuha. Ngunit isang araw, nagising nalang ako nang punong-puno ng pag-asa para maabot ko ang pangarap na'to.

"Dream! Alam mo na ba? Magshishift si Xander sa course natin! At classmate pa natin siya! Siya yung crush na crush mo eh! Diba? Diba since 1st year crush mo na yun?!" Pambungad sakin ng best friend kong si Ali. Oo, tama kayo.. Si Xander ang pangarap ko. Isang pangarap na hinding hindi matutupad. 1st year college pa lang ako, crush na crush ko na siya kaso hindi talaga kami nagkakausap kasi ang layo layo namin. At ang dami pa namin sa university, hindi niya talaga ako napapansin. Kahit pa dumaan ako sa harap niya, parang wala pa rin ako sa kanya. Sinubukan ko rin ngang kunin number niya para itext siya, pero nung nalaman niyang si Dream ako, hindi na niya ako nireplyan.

Hindi naman ako pangit eh, pero bakit parang pakiramdam ko, kapag di niya ako napapansin, ang pangit pangit ko? Kaya ayun. Nawalan na ako ng pag-asa. "Huy Dream! Okay ka lang? Parang ang dami mong iniisip ha!" sabi sakin ni lila. "Ha? Ah. Wala, eh ano susuotin ko bukas? Wash day diba? Diba bukas din siya papasok dito? Dapat mapansin niya na ako." Tuloy-tuloy kong sabi. Ngitian lang ako ni Lila. Nako mukhang may masamang balak to.

*Kinabukasan*

"Huy Dream paparating na si Xander!!!" sigaw ni Ali. dali dali naman akong nag ayos ng upo at ng buhok. "Dream! Ayan na." Pagka lingon ko sa pintuan ay para bang nawala lahat ng tao sa loob ng classroom. Parang siya at ako lang yung mga taong nandun. Nakatingin lang siya sa akin at ganun rin ako... Ngayon lang.. Ngayon lang sa mahabang panahon na pinangarap ko siya, ngayon lang niya ako tiningnan. Ngayon lang niya ako nakita. At ang saya saya nun... Ang saya saya ko.. Pero syempre, lahat ng bagay may katapusan. Naputol ang pagtitinginan na yun ng bigla siyang ngumiti at nagsalita "Ugh. Good morning sa inyong lahat. Xander pala." Tapos umupo na siya.... sa tabi ko.

Araw-araw, nagkakaroon ako ng rason para pumasok. Kasi katabi ko lang yung pangarap ko eh. Kaya lang, isang linggo na ang lumipas pero parang di niya parin ako napapansin. It's either natutulog siya sa tabi ko, o di kaya ay nagtetext. Ewan ko ba sinong katext niya pero paminsan nakikita kong nakangiti eh. Paminsan nga naiisip ko, grabe naman parusa to. Magkatabi nga kami pero parang ang layo layo niya parin. Parang di ko pa rin siya maabot. Nakakalungkot.

*Bzzzzt bzzzt* (alarm clock) Hay.. Ayoko ng magising, di naman parin ako napapansin ni Xander eh. tss. Matamlay akong pumasok ng school. Dating gawi lang. Umupo ako dun. Matapos ang ilang minuto, dumating narin si Xander...

"Dream, right?" Parang huminto ang mundo ko. Nung narinig ko yung boses na yun. Boses na ang tagal tagal kong pinangarap na sabihin ang pangalan ko...

"H-Ha? Ahh. Oo, Hi X-Xander." nauutal kong sabi. kakahiya! Natawa siya.. Eh ano nakakatawa dun?! psh.

"bat ka tumatawa?"

"Wala lang. Bawal ba? Eh sa natutuwa ako sayo eh." Narinig niyo yun guys?! Natutuwa daw siya sakin. Best day ever!! Buong klase niya akong kinausap. Ang daming tanong. Bakit daw dream pangalan ko, kung matagal na ba raw ako dito. Hayy kung alam niya lang. Pero grabe ang saya saya ko. Kasi alam niyang nag eexist ako.. Nag ring na yung bell, ibig sabihin.. goodbye Xander. hayy. Tatayo na sana ako, nang hinawakan nya kamay ko..

"Dream! Penge number!"

Wala na bang mas gaganda pa sa araw na ito? :)

Pagkatapos ng araw na iyon, palagi na niya aking tinetext. Tapos sa school, lagi niya akong kausap. Hanggang sa pag uwi, hinahatid niya ako. Tapos kapag gabi naman, ayun.. kausap ko siya sa phone. Parang kami na diba? Kulang nalang I love you. Di pa kasi siya nagsasabi sa kung anong nararamdaman niya para sa akin.. Hanggang sa isang gabi, habang nag uusap kami...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon